
Director-producer ventures into talent management
Kamakailan lamang ay ipinakilala ni Direk Vince Tañada ang 35 newbie stars niya at isa na rito si Donita Nose na plano niyang gawan ng launching movie sooner than soon at handa niya itong sugalan upang bigyan ng launching move. Sey mo Kuya Willie Revillame at Super Tekla na ka-tandem noon ni Donita Rose sa Kapuso Network?
Sabi naman ni Donita Nose ay walang problema sa kanila ni Kuya Will at Super Tekla. Magkakaibigan pa rin daw sila til now.
Kasama ni Donita ay 35 newbie talents ng Vince Tañada Artist Management sa Philippine Stages Foundation (PSF).
Naniniwala si producer-direktor-writer-aktor-talent manager Atty. Vince sa talent ng mga nasabing artist. Magagaling umarte, kumanta, at sumayaw ang kanyang mga artist na mabibigyan ng break o exposure sa shows sa iba’t ibang networks at pelikula.
Matatandaan na ilan sa kanyang mga artist ay nakasama sa pelikulang “Katips.” Humakot ng awards sa iba’t ibang award giving bodies.
Isa na rito si Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor. Napag-alamanan din namin na mayroon ding bagong talent si direk Vince na may gagawing project sa Vivamax, ang “Sapot.”
Para kay direk Vince, wala siyang restrictions sa kanyang mga talent. Dagdag pa nito, ayaw niya sa artist na may attitude. May upcoming musical play ang talents ng Vince Tañada Artist Management, ang “Hero Z.” Ang kauna-unahang horror musical play sa bansa. Iikot sa lahat ng key cities, colleges, universities sa iba’t ibang provinces mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa panulat at direksyon ni Atty. Vince, ang musical play na ito ay malikhain at artistikong interpretasyon sa mahalagang kasaysayan ng Pilipinas upang maging mas malapit sa wika, gawi, musika, galaw, at kasuotan ng makabagong panahon.
Sa pamamagitan nito, mas magiging malawak at malikhain ang kaisipan ng mga kabataang manonood.
Mapapanood ito from October 1 to August 2024.