February 27, 2024
Carlo Katigbak to Kathryn: You really are our superstar
Latest Articles

Carlo Katigbak to Kathryn: You really are our superstar

Feb 8, 2024

Nananatiling solid Kapamilya ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo dahil sa pag-renew niya ng kanyang kontrata sa ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng 20 taon sa showbiz, noong Biyernes (Pebrero 2).

Sa kanyang grand contract signing na pinangunahan ni Dimples Romana, emosyonal na nagpahayag si Kathryn ng kanyang pasasalamat at pagmamahal sa ABS-CBN.

“I remember in 2020, I made a promise, sinabi ko sa ABS-CBN na ‘di kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit. And today, here I am fulfilling that promise. Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko, eh. Mahal ko sobra ‘yung kumpanya and together we will rise despite all the challenges. We’ll be stronger and even better,” ani Kathryn.

“I trust you more than anybody when it comes to work. ABS-CBN is the perfect home  for growth. Thank you for supporting my decisions and everything that I do,” sabi pa niya sa mga ABS-CBN executive.

Nagbigay si Carlo Katigbak, ABS-CBN president and CEO, ng kanyang taos-pusong mensahe para kay Kathryn.

“You really are our superstar. You have an amazing talent on screen and it shows in the success in everything that you do but more than that, I have been witness to your most special trait – it’s the kindness and the grace that you showed to the people around you,” sabi nito.

Naging emosyonal din ang ABS-CBN COO for Broadcast na si Cory Vidanes nang pinuri nito ang magandang karakter at work ethic ni Kathryn.

“You have been an inspiring icon because you’ve proven to be an excellent actress. You have remained very humble and true all these years and that’s what makes you beautiful inside as much as it makes you beautiful on the outside,” pahayag nito.

Samantala, nagbahagi rin ang pamilya ni Kathryn, mga kasamahan sa trabaho, mentor sa industriya, tagasuporta, brand partners, at malalapit na kaibigan ng kanilang mga nakaaantig na mensahe para sa Kapamilya star sa pagmarka niya ng isa pang milestone sa karera bilang artista.

Dumalo sa contract signing ni Kathryn sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic head at Entertainment Production head Laurenti Dyogi, Films head Kriz Gazmen, at CFO Rick Tan Jr. Dumalo rin ang managers ni Kathryn na sina Lulu Romero at Alan Real, pati ang kanyang ina na si Min Bernardo.

Leave a comment