February 27, 2024
Billy Jake reveals acting techniques he got from Darryl Yap
Latest Articles

Billy Jake reveals acting techniques he got from Darryl Yap

Dec 16, 2023

Isa si Billy Jake Cortez sa may mahalagang role sa pelikulang ‘Para Kang Papa Mo’ na showing na ngayon sa mga sinehan, nationwide.

Gumaganap siya rito bilang Dr. Yuson, na magpapaliwanag hinggil sa kidney transplant na twist sa pelikulang ito ng box-office director na si Darryl Yap.

Kuwento ni Billy Jake, “Si Dr. Yuson professional lang, hindi masyadong apektado sa nangyari, kasi rampant naman ang pagbebenta ng kidneys noon, ngayon controlled na.

 “Ang Para Kang Papa Mo is full of everything. May action, may comedy, may drama. Ang ganda ng plot twist!”

Ito raw ang favorite role ni Jake, bakit niya nasabi iyon? “Natuwa ako, kasi napakahaba ng linya ko noong nag-e-explain ako ng treatment sa kalagayan ni Nikko (Hermione). Diyos ko! Siguro isa’t kalahating papel ang minemorya ko. Walang VO roon!!

“I also worked with doctors before kaya parang nagka-immersion na ako kahit paano sa role ko.”

Paano niya ide-describe ang co stars niya, lalo na sina Nikko at Mark Anthony?

Wika niya, “Si Nikko funny ang mga natural adlib attacks niya at magaan katrabaho. Si Sir Mark Anthony, nakukuha niya ako sa drama niya on set, eh. Siyempre I keep my composure, kasi nga doktor ako roon, Hahaha! Dapat hindi ako gaano apektado.”

How about si Direk Darryl, anong klase siyang director?

 “Si Darryl, he motivated me eversince I started. Siya yung unang naniwala sa akin na kaya kong umarte. Lalo na’t host ako talaga, mahirap ang pag-transition sa hosting to acting. Kaya tinuruan niya akong mag-shift ng techniques from hosting to acting.

“Hands-on siya sa pagdidirek at so far sa dami naming projects na magkasama, na-proud siya sa akin dito,” pakli pa ni Billy Jake

Seventh project na niya kay Direk Darryl ang Para Kang Papa Mo, at 12th naman niya para sa Viva Films.

Matatandaang nagmarka si Jake sa papel na batang Mel Mathay sa pelikulang Martyr or Murderer. Ito ang sequel ng biggest blockbuster movie ng 2022 – ang Maid in Malacanang ni Direk Darryl.

Nabanggit niya kung anong year siya pumasok sa showbiz at ang kanyang dream role.

“Year 2018 po, five years na po ako sa showbiz and I’m very-very-very hungry for more pa. 

“Ang dream role ko, mag-lead sa isang horror movie,” sambit pa niya.

Ito bang Para Kang Papa Mo, masasabi niyang most challenging na movie niya? “Pinaka-challenging still was Martyr Or Murderer. Nandoon kasi talaga yung pressure na akala ko ‘di ko mao-overcome. Now I’m more confident talaga!”

Hindi pala lahat ng movies niya, si Direk Darryl ang direktor. Esplika ni Billy Jake,  “No naman. Nai-direk na rin ako ni Direk GB (Sampedro), Direk Victor Villanueva also and a project with Direk Marius. Pero siyempre, always naman with direk dah (Darryl).”

Masasabi ba niyang isa siya sa favorite actors ni Direk Darryl?

Tugon ni Billy Jake, “Ang hirap magsabi ng favorite, pero kasi kapag once na nakatrabaho ka na ni direk, lagi ka na niyang kukunin and obvious naman yun sa prod staff niya.”

Ang pelikulang Para Kang Papa Mo ay ukol sa pamilya, sa magkakaibigan, sa babaeng lumalambot ang pusong bato kapag kapakanan na ng batang pinalaki niya ang nakasalalay, ng isang anak at isang ama, na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng pinakamamahal niyang anak.

Balik-big screen si Direk Darryl para sa kanyang 15th film. Ang light-hearted, fun comedy-drama na pinagbibidahan nina Mark Anthony at Nikko ay napapanood na sa cinemas, nationwide ngayong December 13, 2023.  


Ang Para Kang Papa Mo ay isang heartfelt story tungkol sa matibay na samahan at relasyon ng isang tatay at anak, at kung ano ang mga kaya nating isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.

Ang mga 90s matinee idols at heartthrobs na sina Mark Anthony, Eric Fructuoso, at Jao Mapa ay gaganap bilang sina Anton, Ric, and Jose, trio ng magkakaibigan na may matibay na samahan at nagiging takbuhan ang isa’t isa lalo na sa oras ng pangangailangan.

Bawat isa sa kanila ay may anak at tulad nila ay naging magkakaibigan din ang mga ito – sina Harry, Kobe, at Eminem na gagampanan naman ng ilan sa hunk actors ngayong henerasyon, ang Hashtag members na sina Nikko, Kid Yambao, at Zeus Collins.

Ito ang comeback movie ni Direk Darryl matapos panandaliang magpahinga tapos gawin ang Martyr or Murderer. Produced by Viva Films, bahagi rin ng pelikula sina Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Rose Van Ginkel, at Gerard Acao.

Leave a comment