December 11, 2023
Alex Gonzaga bares second miscarriage
Latest Articles

Alex Gonzaga bares second miscarriage

Nov 8, 2023

Nakunan na naman sa ikalawang pagkakataon si Alex Gonzaga. Last month nangyari ang second miscarriage niya, base sa panayam sa kanya ng kapatid na si Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel nitong Toni Talks.

Kuwento ni Alex, nakunan siya matapos silang sumailalim ni Mikee sa tinatawag na in-vitro fertilization (IVF), ang proseso ng pagbubuntis kung saan pinagsasama ang itlog ng babae at semilya ng lalaki sa isang laboratoryo.

Inamin ng aktres-vlogger na nagdesisyon sila ni Mikee na subukan ang IVF dahil sa nararamdamang pressure sa pagkakaroon ng anak mula sa mga taong nasa paligid niya.

Bukod dito, may napanood din siyang panayam tungkol kay former United States First Lady Michelle Obama kung saan nakunan din ito bago manganak sa pamamagitan din ng IVF.

Sabi ni Alex, “Basta nakita ko sinabi niya (Obama) na nagkaroon siya ng miscarriage then after two years, hindi sila makapag-conceive ni Barack (Obama), so sabi niya mag-IVF siya. So by 34, nag-conceive siya then at 36. Through IVF pareho ‘yun.”

Nang makunan, humingi siya ng paumanhin kay Mikee.

“I was so pressured na. Pagkatapos sabi ko kay Mikee, ‘Mike, sorry.’ Sabi niya, ‘Bakit ka nagso-sorry? Ang dami pa nating embryo. Go lang.’

“Very supportive siya talaga pero hindi niya ipinapakita ang mga emotions. Pinaramdam niya sa akin na siya ang partner na hindi ipaparamdam sa ‘yo na kasalanan mo,” aniya pa.

“Tapos ‘yung minsan natatakot ka nang gumising sa umaga kasi parang shocks anong magiging result?”

May mga agam-agam nang naramdaman si Alex nang gumamit na ng mga medical jargon ang kanyang doktor kapag nagpapaliwanag na tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Pero ang sabi sa kanya, maging patient sa paghihintay dahil baka mabagal lang ang development ng kanyang pregnancy.

“First punta namin, ano e, walang nakikita e. Tapos may nakitang mass, sa fallopian tube. Tapos nakikita ko hindi na maganda ‘yung mga nangyayari.”

“So alam ko na may something wrong doon sa second pregnancy. Sabi nila, we have to wait. Ganoon din nangyari sa amin sa first pregnancy namin. We have to wait another week to see baka naman it’s slow.”

At bago nga sumapit ang kanyang final check up, parang kinausap daw siya ng Diyos, “Noong naliligo ako parang bigla lang akong kinausap ni Lord na parang, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’

“Tapos naiyak ako, kasi parang naisip ko, ‘Oo nga ‘no, ba’t ba ako in a rush, bakit hinihingi ko kay Lord is, ‘Lord sana bukas pregnant na ako, sana talagang matuloy na ‘tong pregnancy ko.’”

Sabi naman kay Alex ng kanyang ate Toni, “Ikaw kasi lahat sinasabi, ‘si Alex na ‘yung susunod’. Alam mo ‘yung baby shower ko? ‘Alex, ikaw na’. Tapos lahat ng video mo, ‘Pregnant na si Alex, hindi lang niya sinasabi.’”

Pahayag ni Alex, matapos ang mapait na pinagdaanan, mas tumaas pa ang respeto at paghanga niya sa mga nanay na sumasailalim sa IVF procedure para mabuntis.

“Kapag (na-conceive) kayo ng IVF, mahalin niyo ang nanay niyo. Kasi dito makikita ang hardship at ang daming pinagdaanan para lang mabuo ka. Grabe ang respect ko sa mga nanay sa pinagdaanan ninyo.”

May mensahe rin siya sa mga kababaihan na hindi pa rin makabuo ng anak at sa mga tulad niyang dalawang beses nang nakunan.

“Huwag kayong magagalit kay Lord because may reason talaga. Always pray na ma-comfort ka niya. God always comforts the brokenhearted.

“Tapos kapag may bad news, sabihin niyo, ‘Lord, be with me. Yakapin niyo ko the whole time para hindi ako masaktan at para hindi ako madurog.’ Sasamahan ka talaga niya,” sabi ni Alex.

Leave a comment