Yves Flores enjoys working in ‘Blood Crayons;’ ‘Bhoy Intsik’ is set for special screening in Fisher Mall

27
Photo from Yves' instagram account

Pagkatapos ng matagumpay na series na Be My Lady, wala pang bagong serye sa Kapamilya Network ang young actor na si Yves Flores, na gumanap bilang kapatid ni Erich Gonzales.

Pero siguradong magkakaroon ulit sya dahil paborito siyang bigyan ng serye ng Kapamilya network. Bukod kasi sa mahusay na aktor si Yves ay professional pa ito, na lagi siyang on time sa set, hindi siya nagiging sakit ng ulo ng production.

Photo from net
Photo from net

Habang wala pang serye, busy muna si Yves sa shooting ng suspense thriller na Bloody Crayons mula sa Star Cinema, na gumaganap siya rito bilang si Justin. Kasama niya sa movie sina Jane Oineza, Julia Baretto, Iñigo Pascual, Bailey May, Ylona Garcia, Sofia Andres, Khalil Ramos, Diego Loyzaga at Maris Racal.  Mula ito sa direksyon ni Topel Lee.

*********************************************************************

Sa Linggo na gaganapin ang Special Screening ng Sinag Maynila Box Office Awardee na Bhoy Intsik sa Fisher Mall Cinema, at ito’y handog ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

18280688_10210553002155881_1000994718_n

Bukod sa mga bituin ng pelikula, na pinangungunahan nina Raymond ‘RS’ Francisco at Ronwaldo Martin, marami ring artista ang dadalo. May dalawang screening na magaganap — Regular Screening sa ganap na 4:00 pm at 6:00 pm ang Celebrity Screening.

Ang Bhoy Intsik ay mula sa Frontrow Entertainment at sa direksyon ng award-winning director Joel Lamangan.

250 pesos ang ticket para sa 4:00 pm Screening, at 500 pesos ang 6:00 pm Celebrity Screening. Proceeds will go to charity and medical assistance of PMPC members.

Don’t miss the chance to catch this masterpiece once again while making a difference!

Leave a comment