You can’t stop Mariel de Leon

32

Dinelete na ni Mariel de Leon ang kanyang Twitter account matapos ang matinding pamba-bash sa kanya ng netizens.

Sa pamamagitan kasi ng kanyang twitter account ay nasasabi niya ang kanyang opinyon sa pulitika, showbiz, at mga prominenteng tao.

Na ‘yung iba ay hindi nagugustuhan ang kanyang opinyon, na nagiging dahilan para nga ma-bash siya.

“I deleted it na. I think it would be best for me kasi that’s where I go all out talaga.  I still have my Facebook page and my Instagram and I would still voice out opinions. But in a more sensitive and articulate way.”

*********************

Nominado si Edgar Allan Guzman for Best Actor sa darating na 2018 Eddys Awards sa June 2108 para sa role niya sa pelikulang pinagbidahan nila ni Joross Gamboa na “Deadma Walking.”

received_10213051843105343

Si Joross ay hindi napansin dito, hindi siya nominado para sa Best Actor. Pero okey lang ‘yun sa kanya.

Sa akin naman happy ako para kay EA kasi nominado siya. Parang kapatid ko na kasi ‘yan. Kung hindi ako nominado sa Eddys, okay lang ‘yun.

img_20180402_001821

“Nirerespeto ko ang naging desisyon nila. Hindi naman ako umaarte para lang ma-nominate o mapansin ‘yung acting ko,” sabi ni Joross.

Samantala, masayang-masaya ngayon si Joross dahil matutupad na rin ang matagal niyang pangarap na maging isang direktor.

May gagawin kasi siyang pelikula titled “Allegry in Love” na siya rin ang sumulat ng script.

Mapapanood ito sa online show ng ABS-CBN 2.

Ang online show na ito ay parang sa “Netflix” na mga pelikula rin ang mapapanood.

Leave a comment