‘Woke Up Like This’ all set to hit cinemas this August 23

30

Ang saya-saya ng naganap na presscon noong Friday ng pelikulang ‘Woke Up Like This’ mula sa Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Vhong Navarro.

Nagpa-contest kasi sina Mother Lily Monteverde at Roselle Teo sa entertainment press na kailangang magbihis babae ang lalaking reporters at writers at magbihis lalaki naman ang girls. Ito kasi ang tema ng movie nina Vhong at Lovi na nagkapalit nga ng kanilang katauhan sa kuwento.

Si Rey Pumaloy ang nanalo sa mga lalaking press dahil ang ganda-ganda niya sa attire niya bilang isang babae at si Tita Linda Rapadas naman sa mga babaeng press ang nanalo, dahil mukha talaga siyang lalaki sa kanyang attire.

At bago ang presscon proper ay may pasabog muna si mother Lily. Nagsayaw siya with matching back-up dancers sa saliw ng tugtuging Despacito.

In fairness kay mother Lily, na naka pambasketball attire, humataw siya sa pagsasayaw, huh! Ipinakita niya na marunong din siyang magsayaw. At first time niya lang ‘yun ginawa para sa promo ng nasabing pelikula.  Ibig sabihin, ganun kahalaga kay mother Lily ang latest offering niya, para sa mga mahihilig manood ng pelikula.

Na ang sabi ni Vhong tungkol sa Woke Up Like This ay “Sasagutin ng pelikula ‘yung madalas nating tanong na what if one day ay magising na lang tayo na nasa ibang katauhan tayo? Basta masayang pelikula ito na may kakaibang lesson.”

Showing na sa August 23 ang Woke Up Like This.

Photo from Vhong's instagram account
Photo from Vhong’s instagram account

Tungkol pa rin kay Vhong, inamin niya na nalalapit na ang plano niyang pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista. Pero sa ngayon daw ay wala pa siyang maibigay na detalye kung kailan o saan ito magaganap.

Sabi ni Vhong,”Sobrang close na close na. Ayokong sabihin ‘yung taon, kasi naano, e.
Bawat ano kasi sa akin, nauudlot.”Dagdag pa nya, “Yung girlfriend ko kasi, ayaw niya ng sorpresa talaga.”

Naiintindihan naman daw ni Tanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa talaga siya nagpu-propose.

“Yes, sobrang understanding naman siya. Sobrang laging nasa likod ko naman siya lagi.  Kumbaga, kung anuman ang mga bagay na nangyayari, todo suporta talaga siya.”

************************************************

May nakapagsabi sa amin na may times daw na kapag nasa kwarto  lang si Robin Padilla ay hubo’t-hubad ito.  Kaya kapag may inuutos daw siya sa kanilang mga kasambahay, na may pinakukuha siya sa mga ito, ay hindi niya pinapapasok sa kanilang kwarto ng misis niyang si Mariel Rodriguez.  Inaabot niya lang daw ito sa pinto na nakaawang lang ng konti.  Baka kasi masilipan siya!

Leave a comment