Winwyn, a true queen; Laura hopes to bring Miss World crown

31

Hanggang ngayon ay nagdidiwang pa rin ang buong bansa sa pagkapanalo ng actress/beauty queen na si Winwyn Marquez sa katatapos na Reina Hispanoamericana na ginanap sa Bolivia.

Masayang masaya ang lahat ng kanyang tagahanga at ang buong industriya dahil sa wakas ay isa nang ganap na reyna si Winwyn. Tinalo ni Winwyn ang 26 candidates na mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang Colombia.

img_20171113_122118

Ang major prize na Best National Costume ay nakuha ng pambato ng Pilipinas. Sobrang ganda ni Winwyn habang inirarampa ang napakagandang national costume. Maituturing nga syang isang Filipina beauty hindi lamang sa kanyang kagandahan pati na rin sa kahusayan nya sa pagsagot sa Q&A.

Napalitan lahat ng pagod at paghihirap ni Winwyn dahil naiuwi nya ang korona. Ang korona na nagsisimbolo ng pagiging isang reyna. Kakakitaan rin ang Reina Hispanoamericana 2017 ng kabuting loob dahil maganda ang kanyang adbokasiya.

img_20171113_122107

Ang kanyang buong pamilya ay sobra-sobra ang pasasalamat. Proud na proud ang daddy ni Winwyn na si Joey Marquez sa kanyang pagkapanalo. Sabi nga ni Joey, minsan naaawa na sya sa kanyang anak dahil sa puspusang training bago ang pageant.

Si Winwyn ay isang mahusay na dancer at artista, at ngayon, finally, masasabing isang tunay na reyna. Suot-suot ang Reina Hispanoamericana crown, magkakaroon ng thanks giving party mamayang alas dos si Winwyn.

Congratulations, Winwyn! You make us all proud!

Dahil sa kanyang pagkapanalo, puspusan na rin ang paghahanda ni Laura Lehmann para sa darating na Miss World 2017 na gaganapin sa China, November 18.

img_20171113_122016

Makakalaban ni Laura ang mahigit 118 candidates. Sa mga naglabas na post at forecast ng ilang beauty bloggers, sinasabing malaki ang chance na maiuwi nya ang Miss World crown.

Marami ang naniniwala sa kakayahan ni Laura. Former UAAP courtside reporter ang pinay beauty.

Umani rin sya ng papuri sa kanyang naging sagot noon sa Q&A segment ng Miss World Philippines.

Ang aming hangad ay maiuwi rin ni Laura ang korona dahil talaga namang maganda at matalino sya.

img_20171113_122042

Goodluck sayo, Laura!

Leave a comment