Vice Ganda still unkabogable; newbie singer Martin V set to release new single ‘My One and Lodi’

103

Sa thanksgiving party ng Metro Manila Film Festvial 2017 na ginanap sa Sampaguita Gardens noong January 17, ini-reveal na ng committee ang ranking sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa taunang film festival.

Ayon sa MMFF, top grosser ang pelikula ni Vice Ganda na Gandarrapido: The Revengers Squad. Pumangalawa ang “Ang Panday” ni Coco Martin. Nasa pangatlo naman ang “Siargao” na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales. Pang-apat ang “Haunted Forest” na bida sina Jameson Blake, Maris Racal, Jon Lucas at Jane Oineza. Ang pelikula ni Vic Sotto kasama si Dawn Zulueta na “Meant To Beh” ay nasa ikalimang posisyon. Pang-anim ang “Ang Larawan” nina Joanna Ampil, Paulo Avelino, Rachel Alejandro, Sandino Martin, Celeste Legaspi at Noni Buencamino at nasa huling pwesto ang “Deadma Walking” nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa.

Marami ang nagulat na hindi naging top grosser o pumangalawa man lang sa takilya ang “Meant To Beh.”

Tuwing may entry kasing pelikula sa MMFF si Bossing ay lagi itong top grosser kundi man ay nasa pangalawang slot.

Ang tingin ng iba, mas gusto ng mga tao na napapanood sa filmfest si Bossing sa isang fantasy film tulad ng mga entry niya noon na Okey Ka Fairy Ko, Lastikman at Enteng Kabisote.

Sana sa susunod daw na mag-decide si Bossing na sumali ulit sa filmfest ay mga ganung klaseng pelikula na ulit ang gawin niyang entry.

Mas pinapanood daw talaga siya sa mga ganung klaseng pelikula as compared sa isang straight comedy film lang na walang halong fantasy.

****************

HINDI lang artista kundi isa na ring singer ngayon si Martin V na dating nasa pangangalaga ng Viva Films.

May ni-record siyang kanta titled “My One and Lodi,” composed by Joven Tan.

Napakinggan na namin ang kanta at nagandahan kami rito.

Pang-millennial ang kanta at madali lang itong sundan at makabisado. At bagay sa boses ni Martin ang kanta, huh?

Ang “My One and Lodi” ay ire-release na sa February 2 at mapapakinggan ito sa Spotify.

Ayon kay Martin, ang istorya ng kanta ay tungkol sa isang lalaki na naghahabol sa  isang babae.

Tinanong namin si Martin kung sa totoong buhay ba ay naghabol na siya sa isang babae.

”Hindi pa po ako naghabol sa isang babae kasi hindi pa ako nagkaka-girlfriend.”

Malaki ang influence ng kapatid ni Martin na si Renz sa kanyang music.

“Si Kuya po kasi kanta siya nang kanta sa bahay. Naisipan ko po na kumanta na rin.”

Bago nag-recording ay nag-voice lesson muna si Martin.

Ang paborito niyang international singer ay si Justin Bieber.

Si James Reid naman ang paborito niyang local singer.

Among the songs ni Justin ay Let Me Love You ang pinakapaborito ni Martin.

At On Top naman ang pinakapaborito niyang kanta ni James.

Paglabas ng kanta ni Martin ay magiging busy na siya sa promotions nito.

Leave a comment