SA BALITANG magsasama sa isang pelikula sina Vic Sotto at Coco Martin na intended sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, ay aware rito si Vice Ganda.

“I’m fully aware of that. Wala namang taong hindi mahigpit ang labanan kasi lahat nagtatrabaho nang husto, para makapagbigay ng magandang materyal para sa mga taong manonood,” sabi ni Vice sa ulat ng Bandila.

Kung may pelikula na magkasama sina Vic at Coco para sa MMFF 2018, ay may isasali rin ditong pelikula si Vice.

“Yes, magpi-film fest ako. Ang ganda ng concept ko ngayon. Nung nagmi-meeting pa lang kami sa Star Cinema tawa na kami nang tawa. ‘Yung konsepto ko at ng Star Cinema, nagbangga. Ang ganda, nabuo siya,” pagbibida ng Phenomenal box office superstar.

Kung papalaring mapili ng screening committee ng MMFF 2018 ang pelikula nina Vice at Vic at Coco, so makakalaban sa takilya ni Vice for the second time around ang movie ng bestfriend niyang si Coco.

Last year ay nagtapat sa MMFF ang pelikula nila.

Ang kay Coco ay  ‘yung  “Ang Panday” at ang kay Vice naman ay ‘yung “Gandarrapido: The Revenger Squad.”

Sa tapatang ‘yun, ang nanalo ay si Vice. Ang pelikula niya ang naging top-grosser at pumangalawa naman sa takilya ang “Ang Panday.”

This time, kung papasok nga pareho sa MMFF 2018 ang kani-kanilang pelikula, muli kayang talunin ni Vice ang movie ni Coco na kasama pa si Vic o mas pilahan sa takilya ang movie ng dalawa? ‘Yan ang ating aabangan.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

NAG-POST si Ronnie Alonte sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Loisa Adallo, na may caption na, “Ang akin habang buhay na.”

img_20180604_114120

So, based sa caption na ito ng member ng Hashtags, ay may relasyon na talaga sila ni Loisa, di ba?

Hindi naman kasi ganun ang sasabihin niya kung wala. Na nung  makita ni Loisa ang IG post na ‘yun ni Ronnie, ang reply  niya rito ay “Napanis ang I love you.”

Leave a comment