This is just the beginning says Ryan Tamondong on new blessing

17

May album na ang Euro Pop Berliner Perle 2015 grand prix champion na si Ryan Tamondong. Kaabang-abang ang kaniyang self-titled debut album mula sa Star Music. Positibo ang pananaw ng baguhang singer na tatangkilikin ito ng publiko.

“Finally, after working hard on this sa halos dalawang taon. My self titled debut album under Star Music is out, everyone! Still feels surreal. Thank you so much to my Star Music PH family, and of course to my kuya Joel! This is just the beginning, thank you God!

“Watch out for the release of my album on several digital platforms very soon! You can also get your SIGNED personal copies from me! Maraming salamat po.”

Si Ryan ay dating contestant ng “I Can See Your Voice” ng ABS-CBN na nasungkit ang ikalawang pwesto sa isang episode ng nasabing mystery music game show. Ngayon may album na siya at kasalukuyang ipinakikilala ang kanyang pop love single na “Haay Pag-ibig” mula sa komposisyon ng kanyang manager, ang songwriter na si Joel Mendoza.

Tunog 80’s ang mga kanta sa album ni Ryan na hindi naman napag-iiwanan sa tunog ngayon. Mga love song na siguradong marami ang makaka-relate.

Ilan sa mga dapat mapakinggan sa bagong album na ito ang “Ikaw Ang Panaginip” at “Ako’y Minamahal Mo Pa Rin,” na isinulat rin ni Joel, at ang “Since You Went Away,” mula sa komposisyon ni Joel at Vehnee Saturno.

Kabilang din dito ang kanyang live version ng OPM classic na “Sana Ay Ikaw Na Nga,” ang Basil Valdez original mula sa komposisyon ni Cecile Azarcon Inocentes. Bahagi rin ang awitin ng five-track album ni Ryan.

Nagbunga na nga ang pagta-tiyaga ni Ryan at syempre na rin ni Joel Mendoza. Sa sobrang sipag ng dalawang ito ay naging maganda ang resulta ng kanilang mga sakripisyo. Parehong masipag at dedicated sa kanilang mga trabaho.

Isa pa, hindi matatawaran ang galing sa pagkanta ni Ryan kumpara naman sa iba na produkto lang ng teknolohiya ang boses. Si Ryan kahit maraming kanta ay kayang-kaya niyang kantahin ng live na hindi magbabago ang timbre ng boses.

Bukod sa physical album, puede rin mapakinggan at i-download na ang mga awitin ni Ryan sa digital stores. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

Leave a comment