Sylvia Sanchez owes so much of her career to Mother Lily

19

AGAD-AGAD–Inspirational drama ang handog ng Regal Entertainment Inc. sa moviegoers ngayong unang buwan ng 2018.

Ito ay ang “Mama’s Girl” na pinagbibidahan ng “Regal babies” ng kanilang henerasyon na sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres.

Sa presscon ng naturang pelikula, tinanong si Sylvia kung ano ang pagkakaiba ng role niya bilang nanay ni Sofia sa “Mama’s Girl” kumpara sa mother role niya sa mga teleseryeng ginawa niya.

Sabi ni Sylvia na natatawa, ”Loud ako rito e, at saka sexy. Lume-level up, e. Pero strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya iiwanan ang anak niya.”

First time ni Sylvia na nakatrabaho si Sofia. At puring-puri nya ang dalaga.

“Nung una, tinitingnan ko lang siya. ‘Pag hindi mo talaga siya kilala, iisipin mo na suplada siya. Pero sa akin kasi huwag mong i-judge ang isang tao, huwag kang basta-basta maniniwala sa sinasabi ng ibang tao, hanggat hindi mo totally nakikilala ang isang tao. Para sa akin, mabait siya.”

Noong baguhang artista pa lang si Sylvia ay nakagawa na siya ng mga pelikula sa Regal.

Ilang taon na ang nakakaraan noong gawin niya ang huling pelikula niya rito. Kaya natutuwa siya na muli siyang kinuha ng nasabing kumpanya para sa “Mama’s Girl.”

“Gusto kong sabihin sa inyo, thankful ako rito sa movie na ito, where in fact, sinabihan ko si Mother Lily na, “Mother, ang tagal mo na akong hindi kinuha sa movie.” So ngayon bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya, kaya thankful ako. At sabi ko,” Mother huwag mo na nga akong iwan.” Naglolokohan kami.

“Kung ano man ‘yung istorya namin ni Mother Lily, sobra kong tinreasure ‘yun. Si Mother Lily ‘yung nagdiskubre sa akin. Pero kung ano man ‘yung kwento namin, sobrang haba kaya huwag na lang (ikuwento).  

“Kung gusto ninyo mag-usap tayo ng isang araw, uupuan kita, hindi ko ididinay. Kasi walang dapat idinay. Kasi kung ano man ‘yung pinagdaanan ko, ipinagmamalaki ko ‘yun, dahil dun ako humugot ng lahat ng tapang.

“At kung meron mang nagtawa sa akin noon, thank you! Dahil sa inyo ako kumuha ng lakas at tapang. Ngayon nandito ako sa showbiz, masaya ako dahil binigyan ako ulit ni Mother Lily ng pelikula. Kung hindi kay Mother Lily, wala ako rito (sa showbiz). Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hind ko ‘yun makakalimutan.”

received_10156222490456424

Showing na sa January 17 ang “Mama’s Girl” na mula sa direksyon ni Connie S.A. Macatuno.

Leave a comment