Nilinaw ng CEO at owner ng Beautederm na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan na walang katotohanan na pinalitan na ni Pia Wurtzbach si Sylvia Sanchez bilang ambassador ng naturang beauty clinic.

Hinding-hindi raw niya papalitan si Ibyang dahil napalapit na ito sa kanya, na itinuturing niya na raw itong parang isang tunay na kapatid.

rei-ramos
Sylvia Sanchez with Beautederm owner and CEO, Rei Tan

Tungkol naman kay Pia, gusto rin naman daw niya itong kunin bilang karagdagang endorser ng Beautederm.

Kaya lang, baka raw hindi kayanin ng powers niya na makuha ang tinanghal na Ms. Universe 2015.

Samantala, masayang-masaya si Ms. Rei dahil sa award na natanggap ng Beautederm.

Napili kasi ito ngayong taon ng Superbrands para bigyan ng Outstanding Professional Awards (OPA) in the Philippines dahil sa tunay na de-kalidad at excellent ang mga produkto nito.

Si Sylvia nga, kahit edad 46 na, ay mukhang bata pa ring tingnan sa screen. ‘Yun ay dahil sa paggamit niya ng Beautederm soap na epektibong whitening at anti-aging product.

**********************

Mukhang nakahanap na si Raymart Santiago ng babaeng mamahalin, huh!

img_20180301_105532

May girlfriend na raw kasi si Raymart at ang pangalan daw ng bagong nagpapatibok ng puso niya ay AC Legarda, na nagtatrabaho bilang senior division manager ng Ayala Land, Inc.

img_20180301_105736

Si AC ay pinsan daw ni Senator Loren Legarda.

Well, kung totoo nga ang balitang ito, malabo na talagang magkabalikan sina Raymart at Claudine, di ba?

At si Claudine naman, kelan kaya siya ulit makikipagrelasyon?

Leave a comment