Si Sylvia Sanchez ang lead star sa serye ng ABS-CBN 2 na “Hanggang Saan.”

Ano ang fulfillment na nakuha niya sa nasabing serye?

“Ang fulfillment ko rito, ‘yung nakasama ko si Arjo, ‘yung tunay kong anak. Of course nung una, nangangapa pa kaming dalawa. Then alam naman natin, na nung umpisa, ‘yung rating, talagang lumalaban pa kami.  Then finally, umangat na kami. ‘Yun pa lang na e-exit kami nang maayos, na gusto ng mga tao ‘yung istorya namin, masaya na ako,” kwento ng magaling na aktres.

Patuloy niya, ”Bukod sa anak ko, nakilala ko ‘yung co-actors ko na mababait, na professional katrabaho lalo na si Ariel Rivera. So fulfillment ko rin ‘yun.”

First time nakatrabaho ni Sylvia si Arjo. Tinanong siya kung anong masasabi niya sa akting ng anak sa kanilang serye.

received_10156537981916424

Sabi ni Sylvia tungkol kay Arjo, ”Actually, hindi dahil anak ko siya, pero gaya ng naririnig ko na sinasabi ng lahat na magaling si Arjo, modesty aside, magaling nga siya. At pag nag-focus pa lalo si Arjo, na mahalin niya ng sobra ‘yung trabaho niya, mas mayroon pa siyang mailalabas.”

Ano naman ang nadiskubre niya kay Arjo bilang co-worker?

“Nadiskubre ko ‘yung working attitude niya. Iba kasi si Arjo sa bahay as anak, iba siya as an actor.

“So may mga nakikita ako. May maganda at may kailangang i-adjust. Sinasabi ko naman sa kanya. Mas mabuti ‘yung nakikita ko, hindi ‘yung sinasabi lang.

“Pero ayun natutuwa ako, kasi alam ko, dito ko (Hanggang Saan) na-prove, kasi andami ngang nagsasabi, marunong ‘yung anak mo, magaling ‘yung anak mo, which is thankful ako. Pero eto mismo nakakaeksena ko siya, ako mismo naka-experience.

“Sabi ko nga sa kanya, be professional. Kasi dito sa industrya natin, alam naman natin na ‘pag pasaway ka, wala kang mararating.  At ‘pag pasaway ka, tapos wala ka namang galing, sorry ka na lang.

“Mas gusto ng production ‘yung hindi ka man kagalingan, pero kaya kang turuan at professional ka, hindi ka pasaway. Mas gusto nila  ‘yun.

“Kaya ‘yun ang sinasabi ko kay Arjo, sa showbiz mahalin mo lang ‘yung trabaho mo. Katulad ko, gaya ng ipinayo sa akin noon, na mahalin ko ‘yung trabaho ko, na huwag akong maging pasaway, ginawa ko naman.”

received_10156537975956424

Nang si Arjo naman ang tinanong kung ano naman ang nadisukubre niya sa ina bilang co-worker, ang sabi nya, “I saw my mom’s technique (sa akting), ‘yung pagiging natural. I saw her longevity.

“I can’t explain eh. Basta na-observe ko kung paano siya siguro dahil siya ang mom ko, siya ang nagtuturo (ng akting) sa akin dati, eversince I started. 

“Yung mga tinuturo niya, pati siya ginagawa niya.  That one of the things siguro, hindi sa nadiskubre, pero na-absorb ko talaga throughout the show.”

Leave a comment