Sunshine Dizon deserves spot in GMA-7, fits for network’s Drama Queen

347

Binigyan ng title ng GMA 7 si Jennylyn Mercado bilang Ultimate Star. Si Marian Rivera naman ang binansagan nilang Primetime Queen.
Pero mukha yatang may nakakalimutan silang bigyan ng title, huh! At ‘yun ay si Sunshine Dizon.

Dapat bigyan din nila ng title ang nasabing actress bilang The Drama Queen of GMA 7.

Deserved ni Sunshine ang ganitong titulo, dahil among the actresses na nasa pangangalaga nila ay siya ang may pinakamaraming acting awards na natanggap mula sa mga drama series na ginawa niya at halos lahat ng serye niya ay laging panalo sa rating mula sa Anna KareNina at hanggang ngayon sa Ika-6 na Utos.

Dahil nga sa taas ng rating na nakukuha ng Ika-6 na Utos kaya ipinapalabas din ito tuwing Sabado, na first time lang na nangyari sa isang serye ng Syete.

Photo from Sunshine's instagram account
Photo from Sunshine’s instagram account

Bigyan sana ng pansin ng GMA 7 si Sunshine. Mukhang hindi naman nila pinahahalagahan ang mga achievement nito, huh!

Mukha yatang may kinikilingan lang sila. Ibigay nila kay Sunshine ang titulong The Drama Queen of GMA 7 dahil karapat-dapat talaga sa kanya ang titulo na ‘yun, sa totoo lang naman.

**************

HINDI pala ang mestisang aktres na napangasawa ng isang drama actor ang tunay na first love niya, kundi ang isang mahusay na aktres.

Ayon sa aming reliable source, kahit mahal ng drama actor ang mahusay na aktres, ay hindi niya ito nagawang ligawan noon. Nauunahan daw kasi ito ng hiya kapag nakikita at nakakasama niya na ang mahusay na aktres.

Kung nagkataon pala na nagawang ligawan ng drama actor ang mahusay na aktres, ay hindi niya napangasawa ang mestisang aktres at ang mahusay na aktres ang nakatuluyan niya. Botong-boto pa naman daw dito ang pamilya ng drama actor kesa sa napangasawa niya.

Leave a comment