Sunshine Cruz asks daughters to pray for their dad, Cesar

105

Inamin ni Sunshine Cruz na apektado ang tatlong anak niyang babae (kay Cesar Montano) sa isyung korapsyon na kinasasangkutan nito ngayon.

Inakusahan kasi si Cesar na inabuso ang kapangyarihan niya bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB)  na may kaugnayan sa Buhay Carinderia project, na diumano’y binayaran siya ng 80 million bago pa man makumpleto ito.

Photo from Sunshine's IG account
Photo from Sunshine’s IG account

Kinausap daw nang seryoso ni Sunshine ang mga anak na huwag silang magpaapekto sa isyu sa kanilang ama.

“Like what I told the kids, ‘You shouldn’t be affected because even your vehicle and even the clothes you wear are from your mom. ‘I work hard to be able to provide those for you. So you just have to pray for your dad because he’s your father,” sabi ni Sunshine.

Hangga’t maaari, hindi raw niya tinuturuan magtanim ng sama ng loob ang mga bata kay Cesar.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Successful ang katatapos lang na concert ni Janah Zaplan na ginanap sa Music Museum noong Sabado, June 30 billed as “Janah Zaplan. The Millenial Pop Princess. Kaya Ko To.”

img20180608123042_1

Napuno ang nasabing venue. Hindi pinabayaan si Janah ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ng kanyang mga tagahanga, na walang tigil sa kasisigaw everytime na nagpi-perform siya.

In fairness, nag-enjoy kami sa concert. Nagustuhan namin ang mga kinanta ni Janah, at ang husay niya sa performance, na hindi lang siya basta kumanta, kundi ipinakita niya rin ang husay niya sa pagsasayaw.

Dun nga sa dance showdown nila ni Bugoy Cariño, na kilala sa pagiging magaling sumayaw, ay hindi siya nagpatalbog dito.

Nakipagsabayan talaga si Janah kay Bugoy sa pagsasayaw.

Hangang-hanga kami kay Janah dahil sa kabila ng 15 years old pa lang siya, ay kaya niya nang magdala ng isang concert.

Kaya naman proud na proud sa kanya ang kanyang mga magulang na sina Daddy Boyet at Mommy Dencie maging ang kanyang manager na si Jaysar Lorayna, na isa rin sa nagdirek ng nasabing concert.

Bukod kay Bugoy, guest din sa concert ni Janah sina Froi Calixto at Piwee Polintan ng grupong Jeremiah.

In fairness, ang ganda pa rin ng boses nila, hindi pa rin nagbabago. At nung kinanta nila ang hit singe nila noong 90’s na “Nanghihinayang” ay alam pa rin ito ng audience. Paano kasi ay madalas pa rin itong pinapatugtog sa FM stations.

Sa Millennial Pop Princess, happy birthday as you celebrate your birthday today! More power! More blessings!

Leave a comment