Sofia Andres no to working with Diego Loyzaga again?

81

Nasa Clark Pampanga ngayon si Sofia Andres para sumali sa car racing. Ito ang first time na sasali siya sa nasabing competition.

Delikado ang ganitong klase ng sports, hindi ba siya natatakot?

“Alam ko po, pero hindi naman po ako natatakot, eh,” confident na sagot ng dalaga.

Dagdag niya, ”Siguro po kasi, noong bata pa lang ako, talagang gustong-gusto ko nang matutong mag-drive. Ngayon po, sanay na ako. Nai-excite ako, kasi ‘yung iba po, di ba parang kabado? Ako po, ie-enjoy ko lang.”

Ang ilan sa mga makakalaban ni Sofia sa car racing ay ang mga kapwa niya artista na sina Sam Milby, Fabio Ide, Troy Montero, Aubrey Miles, Gretchen Ho at ang ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga.

‘Pag nagkikita ba sila ni Diego, nagbabatian sila?

“Opo naman. Civil lang,” sagot nya.

“Okay naman po kami ng separate. Mas okay po ‘yun sa amin. Kasi po pag magkasama kami, lagi lang kaming nagka-clash.”

So incompatible sila ni Diego? Hindi ba sila nagkakasundo?

“Hindi po, eh,” pag-amin niya.

“Iba po kasi siguro yung wavelength namin. Iba rin ‘yung lifestyle niya, iba ‘yung lifestyle ko.”

Para madaling maka-move on sa hiwalayan nila ni Diego, ang ginawa raw ni Sofia ay iniiwasan at hindi na pinapansin ‘yung mga taong connected sa aktor at binura na rin daw niya ‘yung pictures nila together ni Diego sa kanyang social media accounts.

img_20180427_080628

Pwede pa rin ba silang maging friends ni Diego?

“Not this time po siguro,” deretsong sabi niya.

Malabo bang mangyari sa kanila ‘yung kasabihang “Love Is Lovelier The Second Time Around”?

“Iba po siguro talaga ‘yung sobra naming nasaktan ang isa’t-isa.  Kaya, hindi po namin alam kung paano magiging okay ulit.”

Kung may offer sa kanya na makakatrabaho ulit si Diego, tatanggapin ba niya?

Hindi sinagot ni Sofia ang tanong namin, tumawa lang siya.  Ibig sabihin nito, ayaw niya nang makatrabaho ang dating minamahal.

Samantala, hindi na napapanood sa Bagani si Sofia, pinatay na ang karakter niya rito bilang si Mayari.

fb_img_1524787465269

“Nung una pa lang po, alam ko nang mamamatay ako sa Bagani. ‘Yun po ang nakalagay sa script, eh. Hanggang dun na lang po talaga ‘yung karakter ko.”

So, hindi totoo ang nasulat na kaya raw siya pinatay sa Bagani ay dahil pasaway siya at hindi niya nakakasundo ang co-actors niya?

“Weirdo! Lahat po sila friends ko talaga. Kumakain pa nga po kami sa labas, eh.”

Leave a comment