‘Singing nurse’ set to do concert with a cause

26

Hindi man naiuwi ang karangalang New Male Recording Artist award sa katatapos lang na Star Awards for Music ay masaya naman si Nick Vera Perez sa karanasang makasama sa isang event ang mga baguhan at mga tinitingalang OPM artist ng bansa.

Para sa kaniya, isang malaking blessing at hindi malilimutang karanasan ang maging bahagi ng isang dekadang pagdiriwang ng Philippine Movie Press Club ng Star Awards for Music na may temang “A Decade of OPM Excellence.”

Isa rin sa nagpasaya sa kaniya kahit hindi nakuha ang trophy ay ang solid na suporta ng kaniyang mga tagahanga at pamilya.

“A blessing to have my family and friends come over to support and show some love. Win or lose we all had fun.”

received_276232526433780

Nasa Chicago, Illinois na ngayon si Nick at baka next year na siya makabalik muli sa Pilipinas. Bagama’t sa US na siya nakabase dahil sa magandang trabaho ay pinipilit pa rin niyang maipagpatuloy ang kaniyang musika dito sa atin.

Sa katunayan, binabalak niyang magkaroon ng solo concert. Gusto niyang sa Music Museum ito ganapin. Bukod dito, marami pang plano si Nick para sa kaniyang mga tagasuporta. Ang maganda pa, for a good cause ang mga proyektong gagawin niya. Agad-agad ang nasa isip niya ay ang makatulong. Kung maaayos niya ang kaniyang schedules, malamang sa June 2019 magaganap ang concert niya.

Leave a comment