Sanya gets Star Awards nomination, own show ‘Haplos’ amid bashing

37

Nominado si Sanya Lopez for Best Drama Actress sa darating na 31st PMPC Star Awards For TV para sa role niya bilang si Amaya sa defunct series ng GMA 7 na “Encantadia.”

In fairness, mahusay sa nasabing serye ang dalaga kaya naman napansin siya ng bumubuo ng PMPC.

Nung napasama si Sanya sa “Encantadia,” marami ang nagtaas ng kilay sa kanya. Hindi raw niya deserving na mapasama, dahil nameless siya at hindi marunong umarte. Ang role niya raw ay dapat binigay na lang ng Syete sa iba, na mas kilala kesa sa kanya at mas magaling umarte.

Naging challenge ang mga batikos na ‘yun kay Sanya. Kaya pinagbuti niya ang pag-arte sa Encantadia. Pinatunayan niya na may ibubuga siya sa akting. Nag-iba na tuloy ang tingin sa kanya ng kanyang detractors, hinangaan at pinupuri na siya ng mga ito.

Photo from Rocco's instagram account
Photo from Rocco’s instagram account

Dahil nga sikat na at mahusay nang umarte si Sanya ay pinagkatiwalaan siyang bigyan ng sariling serye ng Syete na “Haplos,” katambal si Rocco Nacino.

O di ba, nauna pang nagkaroon ng sariling serye si Sanya kesa sa ibang talent ng Syete na nauna sa kanya sa showbiz? Mabait naman kasi si Sanya, professional at approachable kaya pinagpapala siya.

**********************

Mahal na mahal talaga ni Ken Chan ang kanyang mentor-discoverer na si German Moreno (sumakabilang-buhay noong January 8 ng nakaraang taon sa edad na 82).

Photo from Ken's instagram account
Photo from Ken’s instagram account

Nitong nakaraang Huwebes, ay hindi siya nakalimot na dalawin ang libingan ng tinaguriang Master Showman sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post si Ken ng mensahe na na-miss niya na ang kanyang tatay-tatayan.

Sabi niya, “Namiss kita Master Showman. Kung nasan ka man ngayon ‘Tay, alam kong masaya ka. Lagi ka pa rin nandyan sa tabi ko… lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita!”

Photo Ken's instagram account
Photo from Ken’s instagram account

Samantala, showing na sa November 8 ang movie nina Ken at Barbie na “This Time I’ll Be Sweeter” mula sa Regal MultiMedia Inc., at sa direksyon ni Joel Lamangan.

Leave a comment