Noong nakaraang taon, nagpakitang gilas ang aktres na si LJ Reyes para sa pelikulang “Anino sa Likod ng Buwan”, ngayon isa na namang alumnus ng Starstruck na si Ryza Cenon ang magpapakitang gilas sa pelikulang “Manananggal sa Unit 23 B” ni Prime Cruz, ( “Sleepless”) na kalahok sa QCinema 2016.

Photo from: Ryza Cenon's instagram account
Photo from: Ryza Cenon’s instagram account

May mga nagsasabing ikaw daw ang susunod na madi-diskubre bilang next important star after  LJ?

“Sana po. Sobrang wish ko po iyon,” bungad niya.

Ayon kay Ryza, espesyal sa kanya ang pelikulang kalahok sa circle competition ng QCinema 2016 na kanyang pinagbibidahan.

“First lead ko po kasi ito. First full length ko rin  at first time ko ring ginawa iyong mga pinaggagawa ko rito,” aniya.

Gaano ka ka-daring sa pelikulang ito?

“First time kong magkaroon ng sex scene at masturbation sa pelikula,” kuwento niya.

Masturbation. Paano ka napapayag na gawin ito sa pelikula?

“Kinundisyon ko kasi ang sarili ko bago ko siya tanggapin. Binibiro ko nga noon si  Direk, sabi ko, a day before the shoot, magma-masturbate ako para alam ko iyong feeling,” sey niya.
Photo from: Ryza Cenon's instagram account
Photo from: Ryza Cenon’s instagram account

Masasabi mo bang itong ginawa mo sa “Manananggal sa Unit 23B” ay preparasyon na para sa pagtanggap mo ng more mature and daring roles?

“Yes. Sobrang nae-excite ako kung paano ko pa palalawakin ang kakayahan ko kasi sa TV may mga limitations iyong mga roles na ginagawa ko. Gusto kong gumawa ng mga roles na tulad  nito  kung saan kailangan kong lumabas out of  my comfort zone,” paliwanag niya.

Napanood mo ba ang “Anino sa Likod ng Buwan” ni LJ?

“Hindi po pero nakita ko siya  at nasilip sa youtube at grabe rin iyong mga love scenes niya,” ani Ryza.

Na-challenged ka ba kay LJ kaya pumayag kang maghubad sa “Manananggal sa Unit 23B”?

“Hindi naman po. Wala naman pong comparison sa amin ni LJ. Kaibigan ko po siya at parang kapatid na rin at magaling naman po siyang artista. Iba naman iyong ginagawa niya sa ginagawa ko. Iba naman iyong path niya sa path ko , so walang competition sa amin, at iyong sa akin kasi, isang posisyon lang,” paglilinaw niya.

Kaya mo bang higitan iyong ginawa ni  LJ sa “Anino”….?

“Sabi ko nga, nagawa ko naman iyong sex scene ko rito. Sobrang grabe siya pero depende sa story o kung paano ako aalagaan ng production . Ako naman, hindi ko ginawa iyong pelikula para gumawa ng porno o para malibugan iyong mga manonood. Basta sa akin, trabaho lang ito,” deklara niya.

Dagdag pa ni Ryza, isa sa mga konsiderasyon kaya niya tinanggap ang role niya bilang manananggal sa pelikula ay ang kakaibang karakter nito.

“Kakaiba siya kung humalik sa biktima niya at kakaiba rin siyang humalik kapag love niya iyong kahalikan niya. Kakaiba siya dahil hindi siya iyong tipong nakakatakot  kumpara sa mga nasulat na o napanood tungkol sa folklores, ibang klase siya dahil may puso iyong karakter niya,” esplika niya. “Iyong sa tradisyonal kasi, pag nagtra-transform na sila, papatay sila ng manok tapos ipapahid iyong dugo at langis bago maghiwalay ang katawan nila pero rito, ibang-iba siya kasi modern siya,” dugtong niya.

Si Ryza ay co-alumnus ni LJ sa second season ng Starstruck kung saan tinanghal siyang ultimate female survivor samantalang si LJ ay iprinoklamang second princess noong 2005.

Ang  “Manananggal sa Unit 23B” ay isang dark romantic gore na nagtatampok din kina Martin del Rosario, Cholo Barretto, Vangie Labalan at marami pang iba.

Photo from: Ryza Cenon's instagram account
Photo from: Ryza Cenon’s instagram account

Ito ay iprinudyus ng The Idea First Company, Indioboy Productions at QCinema International Film Festival na mapapanood na mula Oktubre 13 hanggang 23 bilang kalahok sa 2016 QCinema.

Leave a comment