Rodjun Cruz enters new chapter as lead role

91
Photo from Rodjun's instagram account

Mukhang magpapaalam na si Rodjun Cruz sa supporting roles dahil nabigyan na siya ng malaking proyekto ng Kapuso Network.

Nagpapasalamat ang aktor dahil malaman at importante ang karakter niya  sa  bagong teleserye ng  GMA-7 na Legally Blind.

Sobrang saya ng binata sa tiwalang binigay sa kanya ng naturang istasyon na ngayon ay hindi lamang pansahog ang papel niya sa bagong palabas kundi isa siya sa masasabing bida sa seryeng tinatampukan ni Janine Gutierrez.

Nagbunga na ang kaniyang pagsisikap dahil dumating na ang pagkakataon na kaniyang hinintay sa kaniyang karera na mula pa sa bakuran ng Kapamilya Network ay nakitaan na siya ng pagmamahal at sipag sa kaniyang trabaho.

Pansamantalang mawawala o tuluyan nang mawawala ang kaniyang karakter sa malaganap na programang Encantadia dahil kailangan niyang mag-focus at bigyan ng atensiyon ang kaniyang bagong programa dahil hindi rin biro ang madalas na taping niyang gagawin sa loob ng isang linggo.

Magiging abala man siya sa taping, sigurado namang hindi siya mawawalan ng oras at panahon sa kaniyang girlfriend na si Dianne Medina.

Photo from Rodjun's instagram account
Photo from Rodjun’s instagram account

Sa katunayan, naisingit pa rin ng binata ang bakasyon kasama ang kasintahan kamakailan sa Brunei.

Hindi nakapag-celebrate ang mag-dyowa noong Valentine’s Day dahil sa  trabaho pero nagawa naman nilang magkita pagkatapos ng Araw ng mga Puso.

Samantala, ang Legally Blind ay mapapanood na sa Lunes sa Afternoon Prime ng Kapuso.

Bukod kina Janine at Rodjun, tampok din dito sina Mikael Daez at Lauren Young.

Photo from Rodjun's instagram account
Photo from Rodjun’s instagram account

 

 

Leave a comment