Rocky Rivero of Clique 5 sings own composition “Manhid”

114

Pinatunayan ni Rocky Rivero ng Clique 5 na kaya niyang maging total performer.

“Iyon naman po ang gustong packaging po sa amin ng Clique 5, ang maging total performer,” pambungad niya.

Hindi lang sing and dance ang kayang gawin ni Rocky dahil kaya rin niyang mag-compose ng mga awitin.

Katunayan, well-applauded ang kanyang awiting “Manhid” na siya mismo ang nag-compose.

Nahahasa na rin siya sa pagho-host na plus factor sa isang baguhang tulad niya na gustong magkapangalan sa showbiz.

Maraming naging pasabog ang kanyang birthday concert na ginanap kamakailan sa Water Nymph Resort, Concepcion, Marikina.

Siyempre, suportado siya ng kanyang mga katropa sa Clique 5 at ng all-girl group na Belladonas na kasama niya sa kuwadra ng mabait na talent manager na si Len Carillo ng 3:16 Events and Talents Managements Company.

Sobrang hinangaan din ang kanyang dance number with Quinn Carillo na leading lady niya sa advocacy film na Kodep na tungkol sa droga.

Paboritong actor ni John Lloyd Cruz dahil sobrang bilib sa pagiging magaling at natural na actor nito.

Kasama ni Rocky sa pelikulang “Kodep” ang ilang members ng Clique V at Belladonnas, Ana Capri, Ronnie Lazaro, Via Veloso, at Rosanna Roces.

Naghahanda naman ang Clique V sa kanilang second major concert sa last week ng February, 2019 kasama ang Belladonnas.

Ang mga kasamahan ni Rocky sa Clique V ay sina Karl Aquino, Clay Kong, Marco Gomez, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Blaize Nicolas. Calvin Almojera, at Gabby Villamor.

Entertainment editor: JOSH MERCADO

Leave a comment