Ritz, Pepe show funny, sexy chemistry

14

Talk of the town ngayon si Pepe Herrera ang leading man ni Ritz Azul sa pelikulang “The Hopeful Romantic.”

Paano naman kasi, marami ang kinikilig sa bagong mukha sa komedya. Marami kasi ang nabibighani sa sense of humor niya at bukod kay Empoy Marquez ay siya na rin ang bagong mukha ng mga nagiging leading man ngayon.

Nagsimula bilang indie star pero ngayon ay nakatawid na siya sa mainstream movies. Masuwerte nga si Pepe dahil sa maikling panahon ay nakapagbida na siya at mula pa sa malaking produksiyon tulad ng Regal Entertainment.

Hindi nga nagkamali ang Regal at si Direk Topel Lee na gawan siya ng pelikula kasama ang seksing si Ritz.

In fairness, talented naman kasi siya at napakahusay umarte ke seryosohan o katatawanan. Ang maganda pa kay Pepe ay seryoso siya sa kanyang trabaho at ginagawa. Hindi kataka-taka na malayo ang kaniyang mararating. Tinatawag nga siya ngayong Millennial Rene Requiestas.

Speaking of The Hopeful Romantic, nakakaaliw at kakaibang romantic comedy film ito. Ang daming mga eksena sa pelikula na mai-entertain ka. Kilala si Direk Topel Lee sa mga horror movies pero kayang-kaya pala niyang magpatawa at gumawa ng romcom movie.

received_2126774410974071

Ang pelikulang The Hopeful Romantic ay palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide at base sa mga nakapanood na ng pelikula sa premiere nito kamakailan ay maraming kilig moments sa movie at hataw sa katatawanan.

Leave a comment