Richard Quan on 1957 discovery: Nagulat ako

23

Bagamat hindi pa inabot ni Richard Quan si Ramon Magsaysay bilang presidente ng Pilipinas, marami raw naman siyang magandang naririnig sa pamumuno nito noong kapanahunan nito.

Katunayan, sa research na ginawa niya para sa kanyang role sa 1957 ni Hubert Tibi na kalahok sa ikatlong edisyon ng Tofarm Filmfest, pulos paborable ang komento ng mga nakapanayam niya tungkol sa ill-fated president.

“Nagtanung-tanong ako, ano ba ang situwasyon noong 1957? Nagulat ako sa research na ginawa ko. Wala pa raw president na minahal ang mga Pinoy except kay Magsaysay.

“So ako as Hukbalahap, nagbago ako because of Magsaysay, so ganoon. Ganoon pala ang attachment ng mga tao noon kay Ramon Magsaysay. Nadiskubre ko na sobrang iniidolo siya ng mga tao. Parang tatay na nila si Magsaysay. Great hope nila, wika nga,” aniya.

Maging ang mom daw niya at uncle na naabutan si Magsaysay ay agree sa pagiging makamasa ng dating pangulo.

“Not exactly, iyong may-ari ng lupa that time. My mom, even my uncle, alam nila iyong feeling, although hindi sila mga magsasaka. Alam nila, iyong feeling noong era na iyon,” aniya.

“Iyon din kasing role ko, marami akong hirap na pinagdaanan. Father ako ng character ni Ronwaldo Martin. Dati siyang member ng Hukbalahap.

“Tapos after the war, isa siya sa pinagkatiwalaan ng landlord na swapang played by Menggie (Cobarrubias) na pinangunahan iyong lupa niya, up to the point na lumaki na iyong pamilya niya. Kailangan niyang mabuhay. Kinakapos na kasi medyo magulang iyong landlord niya.

“Doon nagkaroon ng isyu, then came iyong reform ni Magsaysay na umaasa sila na magkakaroon sila ng future at mabibiyayaan ng lupa,” dugtong niya.

Relatable rin daw ito dahil nangyari talaga sa tunay na buhay lalo pa’t sa lahat ng panahon buhay na buhay pa rin ang sigalot ng mga kapitalista at ng mga manggagawa.

“Definitely. That time, mas powerful iyong mga landlord. Unlike, ngayon na may social media. Doon talaga, isolated ang mga probinsya noon. Hindi nalalaman ng central government kung ano ang nangyayari. Buti nga, merong Ramon Magsaysay na presidente that time.

“But what really happened in 1957? Alam naman ng lahat na bumagsak iyong plane ni Magsaysay at namatay siya.

“So what will happen sa mga magsasaka pinning their hopes on him? Iyong ang twist at ang isyu sa istorya ng pelikula,” paliwanag niya.

Ang “1957” ay idinirehe ni Hubert Tibi at opisyal na kalahok sa ikatlong edisyon ng Tofarm Filmfest na kasalukuyang palabas na sa mga piling sinehan.

Leave a comment