Rhian Ramos, JM de Guzman explore co-producing film

13

For the first time ay magsasama sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” ang Kapuso actress na si Rhian Ramos at ang Kapamilya actor na si JM de Guzman, directed by Joel Ruiz.

Produced ng TBA Studios at co-producers naman ang dalawang bida. Kwento ng Kapuso actress, excited sya na ipanood sa mga tao ang kanilang pelikula ni JM.

Puring-puri ng leading lady ang kanyang leading man. Magaling na aktor si JM, pahayag ng co-producer. Mabilis aniya syang naging kumportable sa Kapamilya actor.

Gusto nilang mag-explore pareho, hindi lamang bilang artista, pati na rin bilang isang producer. Hindi natatakot ang sexy actress at hot actor sa kung ano ang magiging resulta ng pelikula.

Ang mahalaga raw ay maganda ang materyal at talaga namang kakagatin ng mga manonood.

Ready na rin ang actress na mag-aral sa New York ng “improvisation” upang mas lalo pang mahasa ang kanyang galing sa pag-arte.

Naging maluwag ang GMA sa desisyong iwanan muna nya ang network habang naghahanda sa kanyang pag-aaral sa nasabing bansa.

Independent living ang peg ng leading lady ng “Kung Paano Siya Nawala” once na nasa ibang bansa na sya.

Tapos na rin ang serye ni JM sa ABS-CBN. Inaabangan ng fans ang susunod na serye ng actor sa Dos.

Showing na ang pelikula sa November 14.

Leave a comment