Remembering Martial Law: Eddie Garcia shares great lessons

77

Balik Cinemalaya ang beterano at award winning actor na si Eddie Garcia sa pelikulang “ML” ni Benedict Mique.

Ito ang ikatlong pelikula niya sa Cinemalaya pagkatapos ng ICU Bed #7 ni Rica Arevalo at Bwakaw ni Jun Robles Lana.

Sa huling dalawang nabanggit na pelikula, nanalo ng best actor awards ang Bicolanong actor.

Kaya, sa pagbabalik niya sa Cinemalaya, itinuturing niya itong espesyal.

“It’s my way of paying back to Cinemalaya,” sey ni Tito Eddie.

Mula sa isang matandang may taning na ang buhay sa “ICU Bed#7  hanggang sa isang lonely gay sa “Bwakaw,” patindi nang patindi ang mga roles niya sa Cinemalaya.

Sa “ML,” muli na naman siyang magpapakitang gilas.

“I’m a retired PC colonel sa Metrocom na may konting dementia na akala niya ay may Martial Law pa rin,” paglalarawan niya sa kanyang papel.

Ipakikita raw sa pelikula ang mga karanasan noong mga tao noong naturang rehimen ni Marcos kung saan naging uso ang curfews, warrantless arrests, military rule sa mga civilians at marami pang iba.

Kuwento pa ni Tito Eddie, sa kabila ng napaulat na insidente nang pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga mamamayan lalo na iyong mga tumutuligsa sa gobyerno, may mabuting dulot din daw naman ang Martial Law.

“The first two years was good. Everyone is toeing the line. No jaywalkers, traffic was good,” tsika niya.

“People then were disciplined. May kasabihan nga na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan. Kung wala si Marcos, wala rin ang CCP,” dugtong niya.

Pagbubunyag pa niya, noon daw idineklara ni Marcos ang Martial Law, hindi raw niya masyadong naramdaman ang epekto nito sa kanilang mga artista.

“Tuloy naman ang filming. If you have a night shooting, kukuha ka lang ng Martial Law pass para makapag-shooting the whole night,” paglalahad niya.

Bagamat may mga nangyayari noong pag-aaklas sa gobyerno, naging panuntunan daw niya na hindi makialam sa pulitika.

“I’m apolitical. Hindi ako nakikialam sa pulitika. Basta ako, priority ko ang trabaho ko. As an actor, I am paid for that,” aniya.

fb_img_1531275056552

Sa pagtanggap ng role, hindi rin daw siya mapili kahit pa sabihing salungat ito sa kanyang sariling paniniwala.

“Ako naman, when it comes to my job, sinusunod ko lang iyong role. Kung ano iyong nasa  iskrip, iyon ang sinusunod ko, because it’s just my job,” paliwanag niya.

“Motto ko rin kasi na, you have to do your job right, no matter how small it is,” pahabol niya.

Inamin din niyang naging malapit siya sa mga Marcos noon pero ang lahat ng iyon ay dahil may kaugnayan lamang sa trabaho niya bilang director.

“Ako iyong gumawa ng second movie na biopic nina Marcos at Imelda na “Pinagbuklod ng Langit,” ani Tito Eddie.

“People naman will not define you for that but basically because of your job,” makahulugan niyang sagot.

At 89, nagtratrabaho pa rin si Tito Eddie dahil passion niya ang pagiging artista.

“As long na kaya ko pa at may nagtitiwala sa aking kakayahan, I will do it,” bulalas niya.

Ibinahagi rin niya ang sikreto ng kanyang longevity at staying power sa showbiz.

“Well, wala akong bisyo. I live a healthy lifestyle. Kung tatanungin mo kung kaya ko pang mag-memorize ng linya, kaya ko pa,” deklara niya.

Sa ilang dekada niya sa showbiz, aminado siyang may mga nakatrabaho siyang mga pasaway at unprofessional na minsan ay pinaghintay siya sa set.

Gayunpaman, kapag ganoon raw mga insidente, cool lang ang kanyang attitude at hindi siya nababahala.

“Basta ako, I come sa set on time and even earlier. Wala akong pakialam if they will be late. I don’t give a damn,” pahayag niya.

“Ang dami nang beses na nangyari iyon but it’s not my problem. It’s the producer’s problem. Wala akong pakialam,” dugtong niya.

fb_img_1531275072567

Ang ML ay kuwento ng tatlong kabataan na lumapit sa isang retired colonel para interbyuhin ito upang patotohanang hindi masama ang Martial Law tulad ng inaakala ng karamihan upang sa huli ay makaranas mismo ng bangungot ng nasabing kabanata sa ating kasaysayan.

Tampok din sa pelikula sina  Tony Labrusca, Lian Valentino, Henz Villaraiz, Jojit Lorenzo, Rafa Siguion-Reyna, Chanel Latorre, Chrome Cosio, Richard Manabat, Maritess Joaquin, Kino Rementilla, at marami pang iba.

Leave a comment