Regal dedicates “Mama’s Girl” to whole fam; Joshua Garcia stylizes own BNY collection

94

Pagkatapos ng matagumpay na pelikulang “Haunted Forest,” may bagong pasabog ang Regal Entertainment ngayong pagpasok ng 2018 at ito ay ang pelikulang “Mama’s Girl” na pinagbibidahan ni Ms. Sylvia Sanchez kasama sina Sofia Andres at Diego Loyzaga. Palabas na ang pelikula sa mga sinehan.

Isang inspirational drama ang pelikula . Maraming nga ang naka-relate sa story nito na umantig sa puso ng maraming nakapanood na nito.

Proud na proud ang buong cast ng “Mama’s Girl” sa kinalabasan ng kanilang pelikula.

received_10214730739852544

Full support ang lahat ng fans ng tambalang Sofia-Diego. Bukod sa kanilang tambalan, matutunghayan din ang galing sa pag-arte ni Sylvia Sanchez.

Sa mga nakapanood na, ang kanilang bukang bibig ay “maganda” at “heart-warming.” Istorya ng pamilya at pagmamahal.

Tama ang timpla ng pelikula. Lahat ng artista ay naibigay ang hinihingi ng karakter.

img20180115191423

Suportahan ang “Mama’s Girl.” Showing na sa sinehan. Ito ay sa direksyon ni Connie S. A. Macatuno.

*******************

MATUTUWA ang fans ng Kapamilya young actor na si Joshua Garcia dahil sa bago nitong collection sa BNY.

Si Joshua mismo ang namili ng ilan sa mga isasama sa BNY x Joshua Garcia Collection katulong ang creative team ng BNY. Maging ang logo para sa JG collection ay nakialam ang binata.

Ayon kay Joshua, classic comfortable at unique ang kanyang collection na sumasalamin sa kanyang personality. Ang collection nya ay boy next door na sya ring pagsasalarawan sa binata.

24796304_1753976011280265_1460640617492905119_n

Kabilang dito ang fit, striped t-shirts, ringer t-shirts, sleeved shirts, loose woven shirts, windbreaker hooded jacket, and skinny jeans.

Masayang masaya ang young actor dahil binigyan sya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang style. At ready na sya maraming kabataan ang bibili at magsusuot nito.

24312462_1753976091280257_8961754564563955956_n

Tuloy-tuloy ang success na tinatamo ni Joshua. Kasama sya sa The Good Son na mapapanood every night sa Kapamilya channel.

Malaki rin ang tiwala na ibinigay sa kanya ng BNY as brand endorser. Congrats sa BNY!

Leave a comment