Pia Wurtzbach requested three-week preparation for the brand’s shoot

26

PERFECT ang figure ng nag-iisang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa launching nya bilang calendar girl ng Ginebra San Miguel. Glowing ang skin at umaapaw ang kagandahan ng beauty queen-actress na humiling ng three weeks upang paghandaan ang shoot ng nasabing calendar.

Pahayag nya, “They were gracious enough to give me that time. I was able to do it.”

Ayaw ni Pia na maging ordinaryo ang kanyang shoot kaya naman todo todo ang kanyang pagpapaseksi bago ang naturang shoot. Ang maganda sa kanya, hindi lang basta sexy body ang gusto nyang ipakita, kundi ang pagiging healthy bilang isang babae.

Kwento nya, ” I want to feel confident and good about myself. That’s why I wanted to do this campaign right. I don’t want to look as if I simply rushed myself into getting fit just so I could do the photo shoot. I wanted to represent the brand and myself in a way that looks strong.”

Gusto ng bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel na maging perfect example sya sa mga kababaihan. Body goals talaga si Pia! Hindi dahil natapos na ang shoot para sa calendar, hindi ibig sabihin nun na titigil na sya sa pagme-maintain ng magandang katawan at pagiging healthy. Patuloy aniya nyang papahalagahan ang kanyang katawan.

Patuloy nya, dapat may disiplina at maging consistent. May personal trainer sya na naging trainer din nya noong Miss Universe journey nya.

Wala raw bisa kung pagkauwi mo ng bahay e hindi ka consistent at kakain nang sobra sobra.

Masaya ring ibinalita ng Kapamilya actress na may upcoming movie sya under Star Cinema. Wala pang leading man. Nakausap na nya ang ilang bosses ng Star Cinema. Matatandaang nakatambal nya si Gerald Anderson.

Sa ngayon ay nakapag taping na sya for an upcoming reality show na talaga namang aabangan ng kanyang fans.

Isa ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockginger sa masayang masaya sa blessings na natatanggap ng Miss Universe.

Iba talaga ang nagagawa ng discipline at hardwork! Look at Pia, super blessed sya at hindi lang basta sexy, mabuti ang kanyang kalooban dahil patuloy pa rin sya sa kanyang mga advocacy.

Leave a comment