Why Pia-Gerald movie should not miss

66

Sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach ang mga pangunahing bida sa latest offering ng Star Cinema na “My Perfect You.”

Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawa.

Sa presscon ng naturang pelikula, ikinuwento ni Gerald ang role niya.

Sabi ni Gerald, “Ako po si Burn, isang lalaki na medyo maraming pinagdaraanan sa buhay. Kumbaga, ‘yung pinaka-low para sa isang tao. Kaya medyo ganun ‘yung hitsura niya, medyo nagpabaya siya. 

“Hanggang makarating siya sa isang resort kasi gusto niyang lumayo sa lahat, dahil sobrang nasasakal na siya.

“Hanggang may nakilala siyang isang babae na nagbigay sa kanya ng second chance, sa lahat ng bagay, hindi lang sa pagmamahal, pero sa ibang opportunities.

“Dahil sa babaeng ‘yan, kay Abi, ‘yung sunshine na binibigay niya kay Burn, ang dami kong na-realize tungkol sa buhay. So kumbaga, it’s about second chances, opportunities, learning from your mistakes.”

Sabi naman ni Pia, “Si Abi naman, siya ‘yung may-ari ng resort. Siya ‘yung super bubbly na character, she’s the ball of sunshine. And palagaing mataas ‘yung energy niya. Palagi lang siyng masaya.”

Dahil “My Perfect You” ang title ng movie nina Gerald at Pia, tinanong si Gerald ng when is one confidentially sure that he or she has found the perfect you?

Sagot ni Gerald, “Parang alam mo na agad ‘yun. Mararamdaman mo kapag alam mo na this is the one, this is my perfect  you.”

Marami nang naging leading lady sa pelikula si Gerald tulad nina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Arci Munoz, among others.

received_10156422765476424

Ano sa tingin ni Gerald ang pagkakaiba ni Pia sa mga nauna nang naging leading lady niya?

“Siya si Ms. Universe. Isa siya sa pinakamaganda sa universe,” natatawang sagot ni Gerald.

“Ang maganda kasi, wala tayong masyadong napanood sa kanya so that makes it more exciting. Kaya sobrang na-excite ‘yung mga tao na nakapanood ng trailer na parang, “Wow kaya pala niyang gawin ito. Ganito pala ang hitsura niya pag ganyan.”

“Halos wala rin siyang make up the whole movie, eh. ‘Yung fans niya, mula Ms. Universe o ‘yung mga pageant na sinasalihan niya, eto ibang Pia, kasi dun laging maayos, laging umaaura sa stage. Dito ibang-iba siya. That makes it very very exciting. And hindi siya mahirap kaeksena.”

Sa pelikula ay may kissing scene sina Gerald at Pia?

“Meron. Siyempre meron. Pero kung paano namin ginawa, kung saan namin ginawa at kung bakit namin ginawa, ‘yun ‘yung dapat abangan.”

Kamusta namang kahalikan ang isang Ms. Universe?

“Si Abi naman ‘yung kahalikan ko, eh.  Hindi naman ‘yung Ms. Universe,” ang natatawang sagot ni Gerald.

Mapapanood ang “My Perfect You” sa lahat ng sinehan, March 14. Directed by Cathy Garcia-Molina.

Leave a comment