(Entertainment editor: JOSH MERCADO)

Nagkasama na ang tambalang Maymay Entrata at Edward Barber (MayWard) sa pelikulang “Loving in Tandem.”

Ngayon, may aabangan na naman ang Mayward fans dahil kasama sila sa ultimate summer horror-comedy-adventure movie na “Da One That Ghost Away.”

Aminado silang marami silang natutunan sa mga katrabaho nila tulad nina Kim Chiu at Ryan Bang.

“Marami akong natutunan sa kanila, kasi first time namin ito. Lahat sila, komedyante. Natutunan ko na dapat maging natural ka lang. Hindi mo naman kailangang praktisin ang pagiging komedyante.

“Maging open ka sa mga katrabaho mo kasi lalabas at lalabas iyan kapag natural ka lang at spontaneous,” ani Maymay.

received_10215599052159809

“Hindi ka dapat selfish. Kapag open ka sa mga katrabaho mo, nagiging madali ang lahat pati iyong mga jokes mo, lumalabas na natural lang,” dugtong niya.

Inamin naman ni Edward na sobra ang kaba niya noong mga unang araw ng kanilang shoot.

received_10215599051599795

“Sa buong cast kasi, ako lang ang hindi komedyante. Kahit si Maymay, komedyante siya. Ako lang ang hindi masyadong ganoon, so medyo nahirapan akong makisabay.

“Actually, at first I was really nervous dahil hindi ko alam ang gagawin ko at hindi naman ako ganoon,” pahayag niya.

Nag-enjoy din daw si Maymay sa paggawa ng movie na ang ilang mga eksena ay kinunan pa sa isang lumang bahay na umano’y haunted house sa New Manila.

Napaka-light ng movie dahil walang stress. Excited kami everytime na may scene na kukunan,” bulalas niya.

“Masasabi ko lang na medyo nabitin kami ni Edward. Kapag masaya ka pala, mabilis ang panahon. Hindi mo namamalayan dahil sa bilis ng panahon.

“Masasabi ko talaga na ito ang pinakamasaya kong experience dahil sobra po ang naging bonding namin sa set,” pahabol niya.

Para naman kay Edward, malaking bagay na kasama niya at kapareha si Maymay sa movie.

She was the one who helped me with the (comic) timing. Nagtra-translate rin siya minsan pag nahihirapan ako sa Tagalog.

“Sa simula, nabigla ako kasi nag-a-adlib sila. Pero sabi nila, you just go with it. Go with the flow.

“Mas maganda ang adlib sa pagbibitiw ng punchline kasi spontaneous siya kasi iyong script, guide lang naman siya,” deklara niya.

received_10215599027199185

Ayon pa kay Maymay, malaking bentahe na hindi lang sila magka-love team ni Edward kundi magkaibigan sa tunay na buhay kaya naibibigay nila kung anuman ang hinihingi sa kanila sa mga eksena. Ito rin daw marahil ang dahilan kaya nagkli-klik ang kanilang tandem.

“Iba po iyong level of comfort namin. As in mag-best friend talaga kami, ’yung totoong kaibigan. Close kami at wala kaming tinatago sa isa’t-isa. Sinasabi ko lahat kay Edward at ganoon din siya sa akin,” pagtatapat niya.

Hirit naman ni Edward, nakasanayan na niya si Maymay at ni hindi niya ma-imagine na maipareha sa iba sa puntong ito ng kanyang career.

If ever, kung sakali lang na mag-iisa ako sa movie, alam kong magiging malaking challenge iyon para sa akin kapag wala si Maymay.

“I don’t mean that to be ‘kilig.’ Kasi kami ni Maymay, nasanay na kami sa isa’t-isa.

“Iyong way of thinking namin, pareho. Kung nagkakamali ako, siya iyong nagsasabi sa akin, siya iyong nag-a-advise sa akin.

“Parang safety net siya kasi we can always help each other,” pagtatapos ni Edward.

Pinsan ni Carmel (Kim Chiu) ang role ni Maymay sa “Da One That Ghost Away” samantalang best friend at kapitbahay naman niya si Edward.

Ang “Da One That Ghost Away” ay umiikot sa kuwento ng isang paranormal expert wannabe na si Carmel (Kim Chiu) na nakipagsanib-puwersa sa kanyang best friend na si Jeje (Ryan Bang) sa pagbuo ng isang squad ng mga ghostbusters upang mailigtas sa pagkaka-sequester ang bahay ng kanyang lola.

Bukod sa Mayward, nasa cast din sina Pepe Herrera, Enzo Pineda, Lassy Marquez, Moi Bien, Matet de Leon, Cai Cortez, Chocoleit at ang ang beteranang aktres na sina Marissa Delgado at Odette Khan.

Ang “Da One That Ghost Away” (DOTGA) ay palabas na sa mga sinehan simula sa Abril 18.

Leave a comment