New Kapuso actress Kyline Alcantara ready for bashers

926

Kasama si Kyline Alcantara sa bagong serye ng GMA 7 titled “Kambal, Karibal” bilang si Cheska De Villa, na kontrabida at third wheel sa relasyon ng mga bidang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. 

Si Kyline ay dating alaga ng ABS-CBN Star Magic. Nagdesisyon siyang lumipat sa Kapuso network nung nag-lapse ang kontrata niya sa Dos. Hindi na siya nag-renew dito.

Kamusta ang ginawang pag-welcome sa kanya ng co-stars niya sa “Kambal, Karibal” na ngayon niya lang nakatrabaho since dati siyang taga Dos?

“Sobrang happy ko po and I’m so overwhelmed kasi kakalipat ko pa lang, warm welcome agad ang binigay nila sa akin,” sabi ni Kyline.

“Nung story conference po honestly, hindi ko po alam kung anong igagalaw ko. Kasi siyempre po, as a new face (sa GMA 7), hindi ko po alam kung ano ang gagawin kong pakikihalubilo sa kanila. But, mabuti naman po at naging friendly agad sila sa akin, lalo na sina Bianca at Miguel. In-approach po nila ako agad.  Naging close po agad ako sa kanila, kasi napaka-approachable nila,” dagdag nya.

Handa na ba siyang ma-bash ng mga tagahanga nina Bianca at Miguel ngayong gumaganap siya bilang third party?

“I’m so ready na po na ma-bash,” sagot ni Kyline.

Paano niya hina-handle ang kanyang bashers?

“Kasi po Anna Liza (dating serye ng ABS-CBN2 na kontrabida rin dito si Kyline) days pa lang, naba-bash na ako. So parang nabo-boring-an po ako na pag isang araw na walang namba-bash sa akin. So guys, bash ninyo ako,” natatawang sabi pa ni Kyline.

Hindi siya pumapatol sa bashers niya?

“Pag below the belt na po,” sagot niya.

They can hate me all they want, but huwag lang nilang isasali ‘yung family ko, kasi hindi ko naman dinadala in real life ‘yung pagiging kontrabida ko sa serye.”

Ang “Kambal, Karibal” ay mapapanood na simula November 27 pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.

Mula ito sa direksyon ni Don Michael Perez.

Leave a comment