Netizens continue bashing on Arci Muñoz’s appearance; PLUS: Token Lizares’ latest album is out

34

Maraming pumuna kay Arci Muñoz noon dahil maganda na raw siya ay nagawa pa niyang magpa-plastic surgery.

Hindi pa raw ba siya kuntento sa angkin niyang kagandahan? At dahil sa ginawa niyang pagpa-plastic surgery, maraming nakapansin na nag-iba ang mukha niya, na imbes daw na mas lalong gumanda ay hindi na raw ito ganun kaganda unlike before.

At mukhang hindi pa rin kuntento si Arci sa kanyang mukha, huh! Muli na naman siyang nagparetoke. Nagpatangos siya ng ilong na naging dahilan para laitin siya ng kanyang bashers.

img_20170929_110107
Photo from Arci’s instagram account

Bakit hindi pa raw siya makuntento sa look niya. Pero deadma lang si Arci sa mga ito.

Ayon sa aktres, wala naman daw masama kung sakali mang totoo ang balitang sumailalim na naman siya sa panibagong plastic surgery. Katwiran niya, ”It’s my life, my rules. As if naman I committed a crime”

***************

Deserved talaga ni Token Lizares ang tawag sa kanya bilang Charity Diva.

Hanggat kaya kasi niyang tumulong ay tumutulong siya sa pamamagitan ng mga benefit concerts na ginagawa niya.

Gaya nung nagkaroon siya ng concert sa RJ Bistro, Dusit Hotel noong July 1 na ang bahagi ng kinita nito ay binigay niya sa noo’y buhay pa na kasama sa panulat na si Richard Pinlac para magamit sa kanyang medical needs.

Naging bahagi rin si Token sa concert na Awit sa Marami, na ginanap noong Agosto 15 sa AFP Theater sa pakikipagtulungan ng philanthropist na Joel Cruz.

Ang part ng proceeds nito ay ipagkakaloob sa mga kababayan natin sa Marawi City at sa pamilya ng mga sundalong sumabak at patuloy na napapalaban sa bakbakan sa nasabing lungsod.

Nagpaplano rin si Token na magkaroon ng concert na ang kikitain nito ay ibibigay niya sa entertainment press kapag magkakasakit ang mga ito at ganun din sa mga kamag-anak ng mga ito kapag nangangailan ng financial support kung magkakaroon din ng sakit ang mga ito.

O di ba, kakaiba talaga si Token?

Samantala, out na sa Astro Vision/Astro Plus ang latest album ni Token na ang carrier single nito ay ang Till The World Is Gone.

Bukas ng gabi gaganapin ang album launching niya sa RJ Bistro, Tani Dusit Hotel.

At full support dito ang Afficionado at Ysa Skin Care Clinic.

Leave a comment