Ni-renew ng Megasoft Hygienic Products Inc. ni Ms. Aileen Choi-Go, ang kontrata ni Myrtle Sarrosa, bilang celebrity endorser ng Sister’s sanitary napkins and partyliners.

Pangatlong taon na ni Myrtle bilang endorser ng nasabing napkins.

Siyempre pa, happy ang dalaga sa kanyang renewal of contract sa Megasoft.

Sabi ni Myrtle, “Hindi mo kailangan maging kadugo para maging Sisters. Three years! Longer than any romantic relationship I’ve ever had. Thank you so much Sistersph for the continued trust you have given me.

“Thank you for believing in me through the rains and droughts of my life. I am truly blessed to have you as my family.

“I am looking forward to inspiring more students through our advocacy projects. To my Big Sis Aileen Choi Go, I love you so much. You are beautiful inside and out. Thank you for being my family.”

Bilang ambassadress ng Sister’s sanitary napkins and pantyliners, magiging busy ulit si Myrtle sa school tour.

myrtle-and-aillen-choi-go

“Excited na po ako, at thankful sa Megasoft, dahil babalik na ako sa ‘school is cool tour,’ na advocacy po ng company. 

“Masaya po ako dahil kung dati ay may 30 schools lamang ang napuntahan ko, ngayon po, sabi ni Big Sister Aileen, sa tour namin makakasama na ang mga state universities and colleges.”

Samantala, may ginagawang pelikula ngayon si Myrtle titled Wonder Bra, na alter ego siya ni Cacai Bautista.

“Yung kwento ng Wonder Bra, tungkol kay Barbara (Cacai-Myrtle) na tuwing sinusuot niya ‘yung isang bra, nagiging super hero siya, nagiging ako. So para siyang dating Capatain Barble, parang ganun.

“Naunahan na namin si Darna. Pero it’s completely different. Kasi itong Wonder Bra, fantasy-comedy. Iba naman ‘yung kwento niya.”

Sa ngayon ay zero ang lovelife ni Myrtle.

After niyang makipaghiwalay kay Bryan Llamanzares, na anak ni Senator Grace Poe, wala pa siyang nagiging boyfriend ulit. Pero aminado siya na may nanliligaw sa kanya ngayon, pero ayaw niyang banggitin ang pangalan nito.

“May idine-date po akong non-showbiz, kaya lamang very private siya, hindi ko po puwedeng sabihin ang name niya.”

Leave a comment