#MichaelAngelo, a sitcom filled with fun and inspiration

28

Nasa season 9 na pala ang show na binuo ni Michael Angelo na mula sa pagiging talk show ay naging sitcom na. Ito ay ang programang #MichaelAngelo na napapanood na ngayon sa GMA News TV bilang #MichaelAngelo The Sitcom.

Tuwang-tuwa nga ang actor-tv host na si MA dahil sa loob ng apat na taon na pamamalagi sa ere ng programa ay marami nang nakakapansin dito.

Sa katunayan ang naturang programa na ngayon nga ay isa nang comedy show ay kabilang sa mga nominado bilang Best Comedy Show sa katatapos na 31st Star Awards for Television.

“Sobra po kaming natutuwa dahil napansin po ang programa namin ng PMPC. The show is INTERTAINMENT (Inspirational Entertainment). Kahit po kami nagpapatawa, hindi po namin nakakalimutan na palagi pong may aral po na matututunan sa aming palabas,” sabi ni Michael nang aming makausap.

received_10212093191499652

Sabi pa niya, lalo pa raw nilang pagagandahin ang kanilang show at palalawakin pa ito. Very vocal ang komedyante sa pagsasabing ang pinagbibidahan niyang programa ang pinakamatagal nang non GMA News TV produced show.

Ang programang hitik sa katatawanan at aral ay napapanood tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA News TV.

Bukod kay Michael, kasama rin sa kuwelang sitcom sina Betong Sumaya, Derrick Monasterio, Bea Binene
Maey Bautista, John Feir
at Kurt Kendrick.

received_10212093190819635

Ito ay sa direksyon ni Earl Ignacio at sa panulat naman ni Chito Francisco.

Leave a comment