Matteo can’t stop praising Sarah: You make my whole world stop

49

Sa Instagram post ni Matteo Guidicelli pagkatapos nilang dumalo ng girlfriend na si Sarah Geronimo sa ABS-CBN Ball nung Sabado, sinabi niya na ang Pop Royalty ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng dumalo sa nasabing event ng Kapamilya network.

Sabi ni Matteo, “My love. You make my whole world stop. Thank you for supporting me. I’m always here for you. You were the most beautiful woman last night at the ball!!”

O di ba, may mag-react kaya sa mga tagahanga ng ibang artistang babae na present din sa ABS-CBN Ball, sa sinabing ito ni Matteo?

Photo from net
Photo from net

Pero, hindi naman natin siya masisisi, di ba? May kasabihan nga tayo na tangkilikin ang sariling atin. Girlfriend niya si Sarah, kaya natural na sabihin niyang ito ang pinakamagandang babae nung gabing ‘yun sa ball.

******************

May bagong shows na mapapanood sa Net25, na pawang produced ng SMAC TV Production.

Ang mga ito ay ang “The Prodigal Prince” na isang fiction film series, “Galing Ng Pinoy” na isang reality game show, at “Bee Happy, Go Lucky” na isang variety show.

Ang tatlong shows na ito ay mapapanood na simula sa October 7, Sunday.

Ang “The Prodigal Prince” ay pinagbibidahan nina Justin Lee, Matteo San Juan, Isiah Tiglao at VMiguel Gonzales.

Mapapanood ito ng 7:00-7:30 pm, na susundan ng “Galing Ng Pinoy” hosted by Matteo and Justin, 7:30-8:00 pm. Ang “Bee Happy, Go Lucky” ay mapapanood naman ng 9:00-10:00 pm.

Pawang mga kabataan ang hosts dito na sina Klinton Start, Kikay Mikay, Isiah Tiglao, Ron Mclean, VMiguel Gonzales, JB Paguio, Rayantha Leigh, Leslie Angela at  Rish Ramos.

fb_img_1538438124472

Natutuwa kami na napasama sa “Bee Happy, Go Lucky” si Klinton, dahil sa pamamagitan ng show na ito, ay mas lalong mahahasa ang husay niya sa pagkanta at pagsasayaw.

Leave a comment