May bago na namang alaga ang magaling na talent manager na si Leo Dominguez at ito ay si Marie Preizer. Tubong Vienna, Austria ang seventeen year old na dalagang ito na sa itsura palang ay may K na pumasok sa showbiz.

Kahit lumaki sa ibang bansa ay magaling siyang mag-tagalog dahil na rin sa pagtuturo sa kaniya ng kaniyang Pilipinang ina na si Liza De Vera-Preiczer na taga Bulacan. Limang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa LVD Management and Consultancy ni Leo. Willing maghintay si Marie sa kahihinatnan ng kaniyang pinasok na karera.

received_2191623377717997

“Mas marami ang matagal na naghintay bago sumikat. I am willing to wait for my time to shine,” saad niya nang makatsikahan namin kamakailan.

Dahil flawless, maganda ang mukha, may height at maganda ang hubog ng katawan. Kung alukin ba siya na magpa-sexy ok lang sa kaniya?

“Why not?” sabi nya. “Wearing sexy clothes in Europe is quite common. Pero hindi naman ako basta magpapa-sexy na hindi naman naaayon sa role o sa values ko.”

Isa pa sa kagandahan kay Marie bukod sa pisikal na anyo ay ang pagmamalaki niya sa sarili niya bilang isang Pinay. May dugo mang banyaga ay nasa puso niya ang pagiging Pilipino kahit tisay na tisay ang itsura niya.

received_783641498647162

“I may have Austrian blood in me but I’m more a Filipina.”

Marahil, malaki ang impluwensiya ng kaniyang ina kumbakit ganoon na lang ang pagyakap ni Marie sa kaniyang pagiging Pinoy. Kungsabagay, sa pananalita palang niya ay halata na na sabi nga namin ay matalas managalog at hindi nabubulol. Isa pa sa magandang values na pusong Pinoy talaga siya ay ang magalang siya at marespeto. May opo at opo siya kapag kinakausap ng mga nakatatanda sa kaniya.

Kaya mga dear, dapat bigyan siya ng puwang sa showbiz. Tandaaan ang pangalan- Marie Preizer. Ang bagong mamahalin at hahangaan. Hindi ba Josh Mercado?

Leave a comment