Maja tags as one of the best: Syempre, ang sarap sa pakiramdam

80
Photo from Maja's instagram account

May bagong serye si Maja Salvador sa ABS-CBN 2, ang Wildflower.

Tatlo ang leading men ni Maja rito, sina Vin Abrenica, RK Bagatsing at Joseph Marco.

Ayon kay Maja, isa sa wildest dreams niya ang gumawa ng serye na katulad ng Wildflower.

“Nung inoffer sa akin ito parang di ba dapat pag-iisipan ninyo pa po? (kung tatanggapin ang offer) Pero after naming mag-meeting nila Direk Ruel (Bayani) ng RSB unit, may sagot na po ako kaagad dahil bagong offer, bagong timpla, bagong klaseng teleserye ang ibibigay talaga,” sabi ni Maja.

Patuloy niya,”So, sobrang na-excite po ako dahil sobrang nakaka-challenge na bigyan ka ng isang ganitong role, ang maging wild. Ako bilang si Maja, parang siyempre hindi naman ganun yung personality ko, e, hindi naman ako wild sa totoong buhay, nakokontrol ko pa. Sa ngayon dito sa teleserye, magpapaka-wild ako ng todo.”

Ano ang pinaka-wild na ginawa niya sa Wildflower?

“I’ll surprise you all,” natatawang sagot ni Maja.

Nilinaw naman ng dalaga na kung magpapaka-wild siya sa nasabing serye, hindi naman daw ibig sabihin nun na magpapakita na siya ng skin.

“Hindi naman porket sinabing wild, puro kaseksihan lang. ‘Pwede rin yung pagiging wild ng emosyon mo sa pag-ibig, pagiging wild mo sa isang taong sobrang nanakit sa yo.”

Paano ba siya nagiging wild sa lalaking nanakit sa kanya?

“Ayun matitikman nila yung maso ko, as Ivy,” natatawang sagot ni Maja

“Di ba sa teaser po namin, may maso? Yun po.”

Sa Wildflower, siguradong magpapakitang gilas na naman sya dito sa pag-arte. Isa nga siya sa sinasabi ng marami na pinakamagaling umarte sa kanilang henerasyon.

Pero para kay Aiko Melendez, na co-star ni Maja sa Wildflower, siya ang pinakamagaling sa lahat. Anong masasabi niya sa mga papuring natatanggap niya dahil sa husay niya bilang isang aktres?

Photo from Maja's instagram account
Photo from Maja’s instagram account

“Siyempre po ang sarap sa pakiramdam na nakikita nila yung best mo, yung pinagtatrabahuhan mo, na-a-appreciate nila kung ano yung binibigay mo sa trabaho mo. Thank you po sa lahat ng nagsasabi na isa ako sa pinakamagaling.”

Leave a comment