Luis Manzano hits basher: 2018 na, gamitin ang utak

114

Muli na namang pumatol si Luis Manzano sa kanyang basher.

Hindi  niya pinalagpas ang pang-aasar sa kanya ng basher niyang si @mariabasha_10.

Nag-post kasi si Luis ng series ng photos nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola na kuha sa isang bakasyon nila, na may caption na ”I can no longer imagine vacations without you. You make everything so much more beautiful.”

Na nang mabasa ni @mariabasha_10 ay nag-comment siya na kung talagang mahal daw ni Luis si Jessy ay pakasalan niya na ito tutal ay nasa tamang edad na naman daw siya. Na sinundan niya ng comment na,“Pagsawaan nya ang naging girlfriend nya tapos palitan uli.”

Dito na napikon ang anak ni Congw. Vilma Santos na naging dahilan nga para sagutin niya ang kanyang basher.

Sabi ni Luis, ”Te, bakit ako mag aajdust sa’yo? Wag aanga-anga. ‘Te, 2018 na, gamitin ang utak, wag puro nega, baka slightly used palang utak mo ha, sayang.”

O di ba, talagang hindi pinalalagpas ni Luis ang kanyang basher!

******************************

Isa lamang si Sharmaine Arnaiz sa mga artistang malalapit sa namayapang direktor na si Maryo de los Reyes.

Kaya naman sobra siyang nasaktan sa maagang paglisan nito sa mundo.

sharmaine-arnaiz

Sa kanyang Facebook account ay nag-post ang award-winning actress, ”Remembering your kindness and how you believed in me just makes the tears fall off my face. Maga na mata ko kakaiyak. Wished I hugged you tighter sa presscon ng Sherlock Jr. Wished I told you how much I appreciate you. Salamat lang sa lahat, Direk Maryo J. de los Reyes.”  

Samantala, kasama si Sharmaine sa bagong primetime series ng GMA 7 na Sherlock Jr, na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

fb_img_1516799011096

Gumaganap siya bilang mommy ni Gabbi, na isang OFW sa Paris.

Leave a comment