Lovi Poe hurt in controversial slapping scene; PLUS here’s line producer’s official statement

56

Hindi buo yung kumakalat na video na sampalan scene nina Lovi Poe at Erich Gonzales kung saan ito ay kuha sa shooting ng pelikulang The Significant Other.

Bago pa man ang eksenang nasampal si Erich ay may naunang eksena kung saan ay matindi ang pagkakasampal ni Erich kay Lovi.

Kalakip sa artikulong ito ay ang video na pinost ng kaibigang si Trixie Dauz na nakasaksi sa pangyayari at nakunan ang eksena na talaga namang lumagapak at ang lakas ng tunog nang dumapo ang kamay ng Kapamilya star sa pisngi at panga ng Kapuso actress.

Sa sobrang lakas ng sampal ay maaaring dito nagmula ang sugat sa daliri na natamo ni Erich. Ganunpaman, sobrang sakit din ang tinamo ni Lovi na kinailangan niyang humagulgol na hindi nakunan ng picture at tanging kay Erich lang na may dugo ang gown at umiiyak ang kumakalat ngayon sa internet at social media.

Lumalabas kasi na itong si Lovi ang parang may kagagawan sa kinahantungan ni Erich pero sa totoo lang hindi hahagulgol ng iyak ang Kapuso star kung hindi rin grabe ang natamo niyang sakit sa todo-todong pagsampal sa kanya ng Kapamilya actress.

Kinalma lang siya nina Dina Bonnevie at ang direktor nilang si Joel Lamangan kaya kahit sumama ang pakiramdam ay tinapos niya ang shooting.

Samantala, nagbigay ng pahayag ang line producer ng pelikula na si Dennis Evangelista hinggil dito. Narito ang nilalaman na kuha sa kaniyang facebook account.

received_10211807836565957

“Being the Line Producer of the film The Significant Other, na witness ko ang insidente. Multi-awarded director Joel Lamangan instructed both Lovi Poe and Erich Gonzales to be realistic in this cat fight confrontation. The scene is so intense, an accident happened, what you saw in video is that Lovi Virginia Poe is the only one slapping Erich Gonzales, hindi po yan ang kumpletong video para i-judge and blame Lovi Poe. I love Lovi and Erich Gonzales but the truth is no one to be blamed in this kind of accident.

“Kaya naduguan si Erich, tumama ang kamay niya sa hikaw ni Lovi sa sobrang lakas ng sampal niya dito again this is also part of this intense scene. Nakahikaw si Lovi hindi para sa intensyon na paduguin ang kamay ng kaeksena kundi accesories na nilagay ‘yun ng kanyang stylist since we are doing high end fashion show.

“We feel bad na naduguan si Erich, pero nasaktan din si Lovi, namaga ang panga niya sa tindi ng sampal ni Erich. Ang maganda sa dalawa ay tinapos nila ang eksena.

“Sabi nga ni Direk, this is the risk of being an actor, si Nora Aunor nga muntik ng maputulan ng tenga sa isang pelikula na ginawa niya. Please stop bashing and making “contravida” Lovi Poe. Just like Erich Gonzales, mabait siyang bata at pareho silang mahusay na artista. All ends well naman dahil nagkasundo sila after shooting.

“We are about to finish “The Significant Other” in two days shoot schedule on Friday October 6 and October 8 Sunday. Official statement of Cineko Productions regarding this matter will be out soon!!!”

Leave a comment