LA Santos gets trophy at Star Awards for Music

29

Si LA Santos ang tinanghal na 2017 Best New Male Recording Artist of The Year sa nagdaang PMPC 9th and 10th Star Awards For Music, na ginanap nung Linggo,September 9,  sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.  

Ka-tie niya sa naturang kategorya si Iñigo Pascual. Present sa awards night si LA, kaya personal niyang natanggap ang kanyang trophy. Sa kanyang acceptance speech, dinedicate ng gwapong bagets ang award sa kanyang mommy Flor, dahil sa unconditional love na ipinapakita nito sa kanya, at sa pagiging supportive sa kanyang singing and showbiz career.

Sabi ni LA sa kanyang acceptance speech,”First of all, gusto ko pong pasalamatan si Lord po, na ibinigay sa akin itong award na ito. Gusto ko rin pong pasalamatan ang Star Music family ko po, sina Kuya Jonathan (Manalo), Kuya Rox (Santos) po. And of course ang PMPC po, gusto ko pong pasalamatan po ang lahat.

“And of course ang taong parang I owe my all, my heart, my mother po (Florita Santos). Puwede bang palakpakan natin ang mother ko po? She’s not here with me po, pero I know, she’s proud of me po. Thank you.”

In fairness, deserving manalo si LA. Ang ganda naman kasi ng kanyang boses, at ang husay ng pagkakakanta niya sa mga kantang nakapaloob sa kanyang self-titled debut album mula sa Star Music na naging dahilan para nga siya ang tanghaling 2017 Best New Male Recording Artist of the Year.

Leave a comment