Kuya E’s rule to success

148

Hindi na baguhan sa showbiz si Neo de Padua na mas kilala sa entertainment world bilang “Kuya E.”

Isa nga siyang maituturing na inspirasyon sa nakakarami dahil sa magandang kuwento ng kaniyang buhay.

Isang ama, kapatid at kaibigan na pinanday ng karanasan sa buhay, ng pagsubok at tagumpay.

Kinailangan lang niya mawala pansamantala dahil na rin sa isang pagsubok na dumating sa kaniyang buhay na nalagpasan niya dahil sa matinding pananampalataya sa Diyos.

Isang cancer survivor si Kuya E na naging daan din upang lalo pa siyang maka-inspire ng maraming tao bunga na rin siyempre ng kaniyang sipag, talino at tiyaga.

Para sa mga di nakakaalam bukod sa showbiz, kilala rin sa business sector si Kuya E at siya ang tinaguriang “The Millionaire Maker of MLM industry in the Philippines.”

Palagi nga niyang sinasabi, “I love inspiring and promoting love in all walks of life.”

Sa pagiging aktibong muli ni Kuya E sa showbiz, isang bagong talk show sa Net 25 ang iho-host niya na aabangan ngayong January 2018 na pinamagatang “RYTS” (Rule Yourself to Success).

May natapos din siyang album sa pamamahala ng Legendary music icon na si Vehnee Saturno.

Halos tapos na ang recording at ang carrier single nito ay ang ‘Akoy Nangarap’ na available na sa iTunes worldwide.

Ang debut album niya ay produced ng Big Eyes Events and Productions.

Kaabang-abang din ang nalalapit niyang konsiyerto sa Music Museum na magaganap ngayong December 14, 7pm na pinamagatang Miracle, Music and Love.

Prodyus din ito ng Big Eyes Events and Productions.

received_10212232335018153

Kabilang sa mga panauhin sa palabas ang E4 Band, Ani Pearl, Rapido at ang Himig Handog 2017 awardee na si Aikee.

Hindi lang entertainment ang hatid ng naturang concert. Ma-iinspire ka na at marami pang matututunan na makakatulong at magpapabago sa iyong buhay.

Para sa ticket, tumawag lamang sa mga numerong 0921-325-3118, 0956-683-4843.

Social Media:
Instagram, Twitter, Facebook:
Big Eyes Events and Productions

Leave a comment