Kris Aquino no issue with Philip Salvador’s absence as a father to Josh

51

Nag-post si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng picture niya at ng dalawang anak na sina Josh and Bimby, na nasa loob sila ng isang eroplano.

Sa comment section, isang netizen na may user name na @no_name5284 ang nagsabi na, “Swerte ni Phillip S. walang ginastos yata ni isang piso kay joshua!, ang mahal kaya magpalaki at bumuhay ng special child. Kaya pasalamat si Phillip kay Kris, mayaman si Kris.”

Ang Phillip S na tinutukoy ng netizen ay si Phillip Salvador na ama ni Joshua.

Sa comment na ‘yun ng netizen, nag-reply sa kanya si Kris.

Sabi nito, “No issue at all. Kasi hindi niya kami ginulo or ginamit pang publicity. Kaya grateful ako.”

Base sa reply ni Kris, pinatatamaan kaya niya ang dati rin niyang nakarelasyon na si James Yap?

img_20180611_091535

Nung na-interview kasi si James sa TV Patrol noong 2013, nung kao-open pa lang ng isang bar, na part owner siya, sinabi niya sa interview niya na  hindi raw pinapahiram ni Kris sa kanya ang anak na si Bimby.

Miss na miss na nga raw niya ito dahil matagal niya na itong hindi nakikita. Na noong mapanood ni Kris ang interview na ‘yun, sabi niya, ginagamit lang daw sila ni James para mapag-usapan ang bar nito.

So, si James nga kaya ang pinatatamaan ni Kris?

Leave a comment