We we’re kind of uncomfortable–Derek on working with Jen again after 3 years

27

Pagkatapos magpakilig sa pelikulang “English Only Please” na naging entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF), magpapaka-daring naman para sa 2017 MMFF sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa pelikulang “All Of You.”

Sa presscon ng naturang pelikula, tinanong sina Derek at Jennylyn kung kamusta ang pagbabalik-tambalan nila after 3 years.

Pagbubunyag ni Derek, “Okey naman po. Sa umpisa, uncomfortable with each other. Kasi sa English Only Please, nagpapatawa, nagpapa-cute lang kami. But in this one, parang lumevel-up ng sampung beses ‘yung mga eksena na ginagawa namin. Especially sa mga intimate scenes namin, medyo we we’re kind of uncomfortable with each other for a while, pero after that, wala na.”

24232488_10156759303688942_7019902241384981475_n

Sinang-ayunan naman ni Jennylyn ang sinabing ito ni Derek.

Sabi niya, ”Tama naman po, kasi medyo matagal din kaming hindi nagkita. So nung nagkita kami ulit, nagkatrabaho kami ulit, this time iba naman ‘yung atake na kailangan namin.

24232939_10156759303858942_2756063008519984487_n

“Kasi nung una (sa English Only Please!), para lang kaming naglalaro, nagpapatawa, ganyan. Pero ngayon medyo matitindi ‘yung mga eksena, ang daming love scenes. So hindi ako ready. Pero infairness naman kay Derek, napaka ingat niya po (sa intimate scenes), saka napaka-gentleman. Pagdating sa mga ganitong klaseng eksena, talagang pinoprotektahan niya ako.”

Samantala, tinanggi ni Derek na walang katotohanan na nag-propose na siya sa kasintahang si Joanne Villablanca nang magbakasyon sila sa Europe kamakailan para i-celebrate ang 70th birthday ng kanyang inang si Gng. Remedios Ramsay.

Sabi ni Derek, ”Kung magpo-propose ako, dito sa Pilipinas. This is my home country.

“Dito ako titira. I want everything to be done here. I know others had weddings abroad. I wanna keep it here.”

Higit na pasabog, pasiklab at paandar ang hatid ng All Of You ngayong Pasko mula sa Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Productions na sasambulat na ang init, kilig at tuwa sa December 25 mula sa winning troika nina Jen, Derek at Direk Dan.

Leave a comment