Is Kiko Matos expecting acting award from ToFarm?

51

May dalawang kasaling pelikula si Kiko Matos sa Tofarm Film Festival 2018, ang “Mga Anak ng Kamote” mula sa direksyon ni Carlo Enciso at “Alimuom” mula naman sa direksyon ni Keith Sicat.

Sa una, gumaganap si Kiko bilang seller ng kamote. Kasama niya rito sina Katrina Halili, Alex Medina, Carla Guevarra at Lui Manansala.

Sa Alimuom naman, isa siya ritong goverment officer. Co-stars niya rito sina  Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Dido dela Paz, Alora Espano at Karl Medina.

“Yung alimuom, singaw ‘yun ng lupa pagkatapos umambon. Sa pelikula po, ipinagbabawal na ng gobyerno ang pagtatanim dahil sa alimuom, ‘yung athmosphere,” sabi ni Kiko tungkol sa Alimuom.

“Dun naman sa Mga Anak Ng Kamote, ipinagbabawal ng gobyerno ang pagkain ng kamote dahil nakakasama raw ‘yun sa kalusugan. Pero fiction lang naman po ito.”

Paano niya napagsabay ang paggawa ng dalawang pelikula?

“Una ko pong ginawa yung Alimuom. Nung natapos ko na po ‘yung gawin, tinawagan naman po ako para sa Mga Anak Ng Kamote.”
,Sa tingin niya ba, mapapansin ang akting niya sa dalawang pelikula? Posible bang ma-nominate siya sa darating na awardss night ng Tofarm 2018 at manalo siya?

“Hindi ko po alam, eh. Hindi naman po ako gumagawa ng pelikula para mapansin, eh. Gumagawa lang po ako ng pelikula para kumita,” natatawang sagot ni Kiko.

May ginawang short film si Kiko sa Cinemalaya 2018 na You, Me and Mr. Wiggles na kung saan ay may frontal nudity siya rito. Walang takot niyang ipinakita rito ang kanyang “ipinagmamalaki.” Ano ang nagpalakas ng loob niya para magpakita ng “sandata” sa pelikula?

“Wala! Gusto ko po siyang gawin, eh. Hindi na kailangan ng lakas ng loob para sa character.”

Bukod sa frontal nudity, nagawa na rin ni Kiko na makipaghalikan sa kapwa niya aktor sa ibang indie films na ginawa niya. Kung sakali bang may offer sa kanya na may kissing scene ulit siya sa kapwa niya aktor, pero bading talaga ang makakahalikan niya, okey lang din ba sa kanya?

“Okey lang,” game na game na sagot ng aktor.

“Basta sa akin, bayad ako, walang magiging problema. Pag hindi ako nabayaran, dun magkakaproblema,” natatawang sabi pa ni Kiko bilang pagtatapos sa aming panayam sa kanya sa presscon ng Tofarm Film Festival 2018

Ang Tofarm Film Festival ay mapapanoood na hanggang sa September 18 in selected theaters.

Leave a comment