KC, Sharon not on speaking terms?

87

Noong April 7 ay birthday ni KC Concepcion. Binati siya sa pamamagitan ng social media ng kanyang amang si Gabby Concepcion at half sister na si Frankie Pangilinan.

May ilang netizens ang nakapansin na walang pagbati na natanggap si KC sa social media mula sa ina niyang si Sharon Cuneta.

Inisip tuloy ng mga ito na siguro raw ay totoong may hidwaan ngayon ang mag-ina.

Sa launching kasi kamakailan ng jewelry line ni KC, ay hindi sumipot ang Megastar.

*****************

Si LA Santos ang special guest ni Ian Veneracion sa kanyang first major concert billed as “Ian in 3 Acts” na gaganapin sa April 21 sa Grand Pacific Ballroom sa Waterfront Hotel, Cebu City.

1523446409320blob

“Ako na ‘yung sasalo sa mga millennial, kumbaga,” sabi ni LA sa presscon ng nasabing concert.

Since bagets si LA, kaya ang kakantahin niya ay ‘yung patok o uso sa mga millennial.

At si Ian naman, ang repertoire niya ay ‘yung makaka-relate siyempre ang mga ka-edad o halos kasing edad niya.  May duet sina Ian at LA sa concert.

Panoorin ninyo po kung paano kami magko-konek sa stage ni kuya Ian.”

Kilala bilang isang singer si LA, pero ano pa kaya ang hindi alam ng fans niya na ibang talent niya?

“Magaling po akong sumayaw, tapos mahilig akong mag-sulat ng songs,” sagot ng tinaguriang “The Singing Idol.”

Pagkatapos ng guesting ni LA sa concert ni Ian, ay siya naman ang mapapanood sa kanyang first ever major solo concert billed as “Petmalu” na gaganapin naman sa April 30 sa Music Museum, 8 pm.

Ang musical director nito ay si Lean Inigo.  Isa itong benefit concert na ang part ng proceeds ay mapupunta sa Cherish Life Foundation.

Watch kayo ng concert ni LA, mag-i-enjoy na kayo sa husay niya bilang performer at the same time ay makakatulong pa kayo sa nasabing foundation.

Leave a comment