(Photo from ‘THOU’ facebook page)

MULING pinatunayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sikat na sikat sila, na sila pa rin ang nangungunang loveteam sa bansa.

Ang latest movie kasi nila titled “The Hows Of Us” mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia Molina, ay kumita ng  35,938,622.74 sa unang araw pa lang na ipinalabas ito sa mga sinehan.

At nung August 31, ay kumita ito ng 116,943,914.02. Grabe na to, di ba?

fb_img_1535757407638

Sa mga susunod na mga araw, siguradong mas lalong lalaki ang kikitain ng nasabing pelikula.

Hindi talaga pinababayaan ng kanilang mga fan ang Kathniel, lagi nilang sinusuportahan ang bawat proyekto na ginagawa ng dalawa.

Pero hindi lang naman mga tagahanga nina Kathryn at Daniel ang nanood ng pelikula. Kahit hindi nila tagahanga ay sumugod sa almost 400 cinemas para manood ng “The Hows Of Us.”

Naging word of mouth kasi ito, dahil sa ganda ng istorya, dahil sa magagandang reviews na natanggap nito.

Hindi pa namin ito napapanood, pero isa sa mga araw na ito ay panonoorin namin ito, para ma-witness din namin kung gaano kaganda ang pelikula.

To KathNiel, direk Cathy, Star Cinema, at sa lahat ng bumubuo ng “The Hows Of  Us,” congratulations!

••••••••••••••••••••••••••

???

Pahada umano ang isang sikat na young actor nung hindi pa siya sikat.

Ayon sa aming source, ang asking price raw ng young actor ay tumataginting na 40k, na kinakagat naman daw ng mga bading.

Gwaping at malaki naman daw kasi ang kargada ng young actor, plus, artista pa ito, kaya okay lang daw kahit mataas ang hinihingi nitong bayad.

Pero hanggang hada lang pala ang mga bakla kay young actor, na nagpaparomansa rin naman daw. Hindi raw ito pumapayag kapag gusto siyang i-lips to lips ng bading, kahit pa raw dadagdagan ang bayad sa kanya.

‘Yun daw ang hindi ma-take ni young actor, ang makipaghalikan sa bading.

Ngayong sikat na si young actor, hindi na raw ito pahada. Kahit marami pa rin daw ang nagti-text sa kanya o tumatawag, na ino-offer-an siya ng mas malaki sa 40k, na dating talent fee niya (talent fee raw o?),dahil sikat na siya, ay deadma na siya.

Marami na raw kasi itong pera dahil sa rami ng kanyang project. Hindi na raw nito kailangan ang pera na manggagaling sa bading.

Sino si young actor? Napapanood siya sa isang teleserye.

Leave a comment