Juday explores something new for 2018

39

Sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang mga bida sa latest offering ng Star Cinema na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Sa presscon ng naturang pelikula, tinanong ang dalawang mahuhusay na aktres kung ano ang dahilan at napa-oo sila na gawin at tanggapin ang pelikula.

Sabi ni Juday, ”Ako kasi, I was really looking for a material na would challenge me to go out of my comfort zone. Kasi for the longest time, I’ve been doing films na, ‘yung umiiyak.

“Alam na ng mga tao ‘yung ginagawa ko talaga. Tsinallenge ko ‘yung sarili ko. 2017 should be something different. Bago man lang ako mag-fourty, kailangang gumawa ako ng pelikulang hindi ko maiisip na gagawin ko, ‘yung magdadalawang-isip akong tanggapin, pero dahil masyadong maganda ‘yung materyal kailangan ko siyang oohan.”

Sa tanong naman kay Juday tungkol sa outcome ng kanilang pelikula, matapos niya itong mapanood nang buo, ”Napaisip ako. Ginawa ko talaga ito na may anak na ako, may asawa na ako, ‘yung ganun. ‘Yung lahat ng dapat ginawa ko nung dalaga ako, ngayon ko siya ginawa. 

“Ganun kahusay ‘yung script. Ano siya kasi eh, masaya siya. And at the same time, hindi mo talaga iisipin na, “Ay, puwede palang ganun. But the story alone, hindi siya ‘yung bago, pero hindi pa nakikita ng tao sa pelikula.”

Ang huling pelikulang ginawa ni Juday ay indie film na “Kusina” na  isang drama.

Ipinalabas ito two years ago. Bakit sa pagbabalik pelikula niya ay comedy ang pinili niyang gawin?

“Kasi ‘yung mga past indies na ginawa ko, lahat mabigat.  Gusto ko na something refreshing. And 2017 for me was such a roller-coaster ride.

“Gusto ko muna ng change. Ang daming nawala, ang dami kong kailangang harapin.  I needed something refreshing. And eto ‘yun. I prayed hard, talagang humingi ako ng sign. Eto ‘yun. Agad-agad, binigay naman.

“Before this, may project sana kaming gagawin ni Direk Jun. E, tapos bigla itong dumating so hindi na muna namin ginawa ‘yun, eto na muna ‘yung inuna namin.

“So it’s a big sign kasi parang biglang tatlong production nag sama-sama, na ‘yung mga productions na ‘yun, may mga pinagkakautangan ako, e gawin na natin agad-agad nang matapos na itong mga utang na ito. Eto, bayad na agad ako,” natatawang sabi pa ni Juday bilang pagtatapos.

Showing na sa January 17 ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”

Leave a comment