Showing na ngayon ang pelikulang “I Love You Hater” mula sa Star Cinema na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Joshua Garcia at Julia Barretto, sa direksyon ni Giselle Andres.

Ang “I Love You Hater” ang pang-apat na pelikulang pinagtambalan nina Joshua at Julia.

fb_img_1531315986842

Una silang nagsama sa pelikulang “Vince & Kath & James” na sinundan ng  “Love You to the Stars and Back,” at ang pangatlo ay ang “Unexpectedly Yours” na nakasama nila sina Robin Padilla at Sharon Cuneta

Happy pareho sina Joshua at Julia, na after Sharon and Binoe, ay nabigyan naman sila ng chance na makatrabaho ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris.

“Blessed! Siyempre, kasi ano na ‘yan, eh, mga stars na ‘yan dati, mga beterano na mga ‘yan. Bihira na silang gumawa ng mga pelikula. So kapag napapasabak kami sa ganoon, like ngayon, si Ms. Kris Aquino naman, e, sobrang blessed kami,” sabi ni Joshua.

Nai-share naman ng dalawa ang mga natutunan at payo na binigay sa kanila ni Kris nung ginagawa pa lang nila ang nasabing pelikula.

20180618_203309

Sabi ni Julia, “Si Tita Kris kasi, nakikita niya kami na nagse-segue-segue sa work. She always reminds us na to really be careful, huwag isa-sacrifice ang health kasi sisingilin ka talaga when the time comes. Gina-guide rin niya kami kapag nasa set na, kapag take na. Pero si Josh talaga ‘yung pinapayuhan niya, lalo na sa mga interview, kung paano sasagot, kung paano ‘yung tamang pagharap sa press.

”Lagi niyang sinasabi sa amin na hangga’t nandito pa kami, dapat maging open kami sa lahat ng opportunities, and do good na, work hard na. Kumbaga, strike while the iron is hot. So, it’s better to be busy and tired and walang tulog, kesa sa walang ginagawa.  Pero siyempre alagaan ang health, number one.”

Sabi naman ni Joshua, “Kapag kausap namin si tita Kris, marami siyang ina-advice, kasama na po ‘yung sa personal life, sa trabaho.

“Palagi siyang nag-a-advice sa akin sa mga interviews ko, kung paano sumagot. Sabi niya, less talk, less mistake.”

At dahil “I Love You Hater” ang titulo ng pelikula nina Joshua at Julia ay tinanong ang dalawa kung ano ang love at hate nila sa isa’t isa.

fb_img_1531316028714

Sabi ni Julia, “Si Josh kasi mahilig mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangungulit, pero minsan kasi kapag wala kang tulog, pagod na pagod ka alam mo ‘yun? Pero in-embrace ko na ‘yun kasi hindi naman siya talaga makulit as a person sa akin lang talaga siya makulit. 

“Ako kasi kapag sinabi kong tama na (yung kulit), tama na. Hindi ako ‘yung tipo na secretly gusto ko pa. So ‘yun ‘yung medyo hindi naman hate, kundi tama na, wag mo na masyadong i-push.

“Pero hinahanap ko kasi kapag may eksena akong kukunan that day, walang nangungulit, boring pala, so nakaka-miss ‘yun ‘yung na-accept ko na, in-embrace at ni-love.”

Ang pagiging moody naman daw ni Julia ang ayaw ni Josh, ”Pero love ko ‘yan!” sabi ng binata.

Pagsusumbong ni Julia, ”Kasi nga mahilig mangulit tapos kapag nagalit ako, magtatampo siya bakit ako nagalit, pero kasalanan naman niya, kaya roon talaga. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.”

Biglang kambyo ng aktres, ”Ang maganda kasi kay Joshua kapag nagsabi ako ng mga tampo ko, sinasabi ko lahat, isa-isa at hindi ‘yan kumikibo at tahimik lang siya. So, ‘pag tahimik siya parang napu-frustrate ako, parang ako na lang, salita nang salita? After kong sabihin lahat, in fairness nakikinig pala siya at isa-isa niyang iso-sorry one by one, so it’s sorry na hindi bumigay (makipagbati), girl ako, eh. In fairness, he’s a good listener.”

Leave a comment