John Estrada confirms bigger talent fee from GMA for ‘VM’?

66

Ang unang proyekto na binigay ng GMA-7 kay John Estrada, sa paglipat niya rito, ay ang Victor Magtanggol, ang fantaserye na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Siya ang main contrabida rito bilang si Loki. Tinanong namin si John kung okey lang ba sa kanya na hindi drama series ang unang show niya sa Kapuso?

“Ito talaga ang gusto nilang gawin ko. Napa-transfer ako because of this project,” sabi ni John.

Anong meron sa Victor Magtanggol at tinanggap niya ito?

“Engrande siya. Malaking proyekto. Sabi nga nila, this is the biggest of GMA this year. Gusto ko ‘yung karakter ko as Loki.”

img_20180729_113832

Bukod pa rito, mas malaki raw ang talent fee niya rito, kumpara sa binabayad raw sa kanya nung gumagawa siya ng serye sa ABS-CBN.

Ang “Victor Magtanggol” ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata. Mapapanood na simula lunes sa GMA Telebabad.

********************

Nakakatuwa naman si Liza Soberano dahil sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career, ay binalikan pa rin niya ang pag-aaral.

Nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges for a bachelor’s deegree in Psychology. Gusto niyang makatapos, na makakuha ng dipoloma sa kolehiyo.

fb_img_1532835280911

Sabi ni Liza, “That’s what I want the youth to learn as well, that school is very important. No matter what age you are, you can always go back to it if ever you stopped.

“Always give it priority because iba po talaga kapag mayroon kang diploma and you graduated. You’ll feel confident about yourself kapag naka-graduate ka, that you have accomplished something in your life.”

Well, sana nga ay magawang pagsabayin ni Liza ang pag-aaral at kanyang showbiz career. Sana ay walang mag-suffer sa isa sa mga ito.

Sabagay, time management lang naman ang kailangan, di ba?

Tungkol pa rin kay Liza, ayon sa manager niyang si Ogie Diaz, nagsu-shooting na siya ng “Darna.”

Pero puro Narda scene pa lang daw ang kinukuhan sa kanya, ‘yung ordinaryong tao lang siya. Wala pa raw kinunan na eksena na naging Darna na siya.

Dagdag pa ni kaibigang Ogie, aabutin daw ng 40 days ang shooting ng Darna. Na ang equivalent nun ay tatlong buwan mahigit, di ba?

Masyadong mabusisi raw kasi ang direktor nito na si Erik Matti. Gusto raw nitong maganda ang kalalabasan ng bagong version ng Darna, na malaking movie ni Liza, mula sa Star Cinema.

(Entertainment editor: JOSH MERCADO)

Leave a comment