Lumalantad na ang mga artistang nabiktima diumano ng negosyanteng based sa Brunei na si Kathelyn Dupaya.

Una nang nag-rant noon sa kanyang Facebook account si Sunshine Cruz ngunit hindi n’ya ito pinapangalanan, dahil daw sa kaibigan pa rin ang turing ng aktres dito at naaawa s’ya sa mga anak nito, at mabait naman makiusap ang asawa nito.

Hanggang sa naglakas loob na nga ang isa pang aktres na si Ynez Vneracion na isa rin sa nag-invest sa negosyo ni Kathelyn subalit sa bandang huli ay pakiramdam n’ya ay na-scam daw s’ya.

Ngayon, ang tinaguriang Lord of Scents at may ari ng kilalang pabango sa bansa na si Joel Cruz ang lumabas sa media kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio.

received_10155829710818717

Kailan, saan at paano nga ba unang nagkakilala si Joel at si Kathelyn bago tuluyang mag-invest ang una sa huli?

“2016 nasabihan ako ni Joey Sarmiento (na kapatid namin sa panulat) na gusto raw ako makilala ni Kathy Dupaya.

“Nakita ko sya kung paano sya magpaparty. Nagpapamigay din sya ng pera sa mga taong sumasayaw don, nagpaparty. Pero nakita ko na sya na tumitingin sa akin na parang, tingin ko, ha, trying to impress me.

“Hanggang sa kinukuwento nya (Kathy) sa akin, kasi after non, sinasabi nya sa akin na may mga tindahan sya sa Brunei.

“Meron daw syang salon boutique, massage or spa, restaurant. Tapos sinasabi nya sa akin, kasi may mga artista ron, eh, sa party, na invited.

“Yung ibang mga artista ron nakakarating na raw ng Brunei. Iniinvite nya raw. Ang mga artista na naaalala ko, sina Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Dianne Medina, Ara Mina, Ketchup (eusebio).

“And I heard also na nung ng birthday nga raw ng anak nya, pinapunta nya yung mga artista, sa Brunei naman. All expenses paid.

“Tapos sabi ko, ay mayaman nga, may pera nga. Kasi kung gumastos ka hindi lang sa Philippines, eh. Eroplano sa Brunie. Tapos ‘yung hotel. Maganda ‘yung hotel na pinagistayan namin don, eh, kasi dinala nya rin ako.

“Naconvince nya rin ako na dalhin don kasama ang anak ko. Sya ang gumastos non. Sabi nya, they used to work sa government. But that time, sabi nya, I dont know kung ‘yung husband pa rin nya ang nagwowork sa government.

“Pero may pabahay sila ng royal family, sabi nya. So ineexpect ko, aba, royal family, eh, di syempre mayaman ito, magandang bahay din ‘yung bahay nila ron.

“So andun ang curiousity ko na magpa-impress talaga sya sa akin na mayaman tong babaeng to tapos yun pa pala, nanalo sya sa lotto sa Malaysia. Sabi ko, magkano, in ringgit nya sinabi. When I computed that time na sinabi nya sakin na money in ringgit, Malaysian money, it was 700 million pesos.”

Pero sa bandang huli, ang pakiramdam ni Joel ay tila hinuli lang ni Kathy ang loob n’ya upang mahikayat s’yang mag-invest sa negosyo nito sa Brunei na pagpapautang.

“Hindi naman ako tumitingin sa tao na kasinungalingan ang mga sinasabi. Magaling sya magsalita. Siguro sa galing nya magsalita, kaya marami kaming nabiktima,” litanya ng lehitimong negosyante nang makausap namin s’ya ng ekslusibo sa kanyang opisina.

Dahil sa pangyayari at sa sobrang laki ng na-invest n’yang pera ay dumaan sa depresyon si Joel na halos hindi raw s’ya makatulog at ayaw n’ya munang pumasok sa kanyang opisina, kaya nagpaalam s’ya sa kanyang mga executive na pansamantalang magbakasayon sa ibang bansa.

received_10155829707443717

“Alam mo, kailan lang ako naginhawahan, nung nagmeeting kami sa bahay. Nakita ko si Ynez Veneracion, Sunshine Cruz, si Susan na kaibigan ni Niño Muhlach, tsaka, yung
asawa nya.

“You know, ‘yung husband ni Susan got depressed, nagkakasakit. Si Mike Jalandoni, yung collegues nya (Kathy), doon namin nalaman na nagsusugal sya (kathy). Nagkita kita kami two weeks ago after lumabas ni Ynez,” pagtatapat ni Joel.

At kahit si Joel pa ang may pinakamalaking nag invest sa negosyo ni Kathy sa Brunei, hangad n’ya ang hustisya para sa kanilang lahat na na-biktima raw at magsilbing aral ang nangyari sa kanila sa mga kababayan natin.

Inaanak daw ni Kathy ang bunsong kambal na mga anak ni Joel na sina Charles at Charlotte na kapwa ninang sina Mel Tiangco at Sharon Cuneta na nakausap ni Joel sa cellphone upang bigyan din ng babala.

Minsan daw kasing sinabi sa kanya ni Kathy na kakilala n’ya ang Megastar at may ipinakita pang litrato na tila close sila kasama si Sunshine.

Marami pang artista ang dapat magsalita.

Pati mga OFWs ay patuloy na niloloko ng Brunei-based businesswoman. Malaking tulong daw ang ginagawang legal na proseso ni Atty. Topacio.

Isang taon matapos nilang magkakilala nang makumbinse na si Joel na mag-invest sa business ni Kathy sa Brueni.

“August 17, 2017, nagstart kami mag invest.

“Unang una 2 million. August 22, 1.5 m. August 24, 1 million. August 25, 3 million. August 29, 5 million. September 6, 5 milliion. September 7, 8 million. September 11, 7 million. September 15, 6 million.

“Meron pang 200,000 US dollars September 22. Nagtotal yan ng P38,000,500.00. Saka ‘yung P200,000.00, pwedeng maging P10,506,000.00 yun, eh.

“So mga nasa P49 million plus pesos ang principal kong pera na nabigay sa kanya,” pagpapatunay ni Joel.”

Leave a comment